Advertisers

Advertisers

KIKO, PUMALAG SA PALUSOT NG PUMASOK NA RUSSIAN SUBMARINE AT PANGGIGIPIT NG CHINA SA WEST PHILIPPINE SEA

0 27

Advertisers

Hindi kinagat ni dating Senador Kiko Pangilinan ang palusot ng Russia na nagpalipas lang ng sama ng panahon ang submarine nito sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ayon kay Pangilinan, isang eksperto na ang nagsabi na hindi apektado ng surface weather ang submarine dahil nasa ilalim ito ng tubig kaya hindi kapani-paniwala ang dahilan ng Russia.



“Hindi dapat palampasin ang ganitong pangyayari lalo na’t hindi katanggap-tanggap ang palusot ng Russia,” giit ni Pangilinan.

Kasabay nito, kinondena rin ni Pangilinan ang ginawang pang-ha-harass ng People’s Liberation Army (PLA) Navy ang sa mga Pilipinong nangingisda sa Rozul Reef.



“Walang karapatan ang China na gawin ito dahil ang Rozul Reef ay saklaw ng teritoryo ng Pilipinas at may karapatan ang mga mangingisdang Pilipino na kumuha ng ikabubuhay roon,” ani Pangilinan.

Sa report ng Philippine Coast Guard, inikutan ng helicopter ng PLA Navy ang bangka ng mga Pilipinong nangingisda sa Rozul Reef, na malapit sa Palawan.



Dagdag pa ni Pangilinan, dapat igiit ng pamahalaan ang karapatan ng ating mga mangingisda na malayang makapangisda roon nang walang takot at pangamba.

“Nanawagan din tayo sa mga awtoridad na paigtingin pa ang pagbabantay upang matiyak na protektado ang integridad ng teritoryo ng bansa at ipagtanggol ang karapatan ng mangingisdang Pilipino,” pagtatapos ni Pangilinan.