INARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) si Marawi City Vice Mayor Annouar Romuros Abedin Abdulrauf Lunes ng umaga sa kasong may kaugnayan sa murder.
Kasama ng NBI ang Task Force Marawi, Marawi City Police Station, at militar sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa bise alkalde, na inilabas ni Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandria ng Regional Trial Court Branch 121, Caloocan City.
Kinumpirma ng mga awtoridad na dadalhin sa RTC NCR Branch 121 si Abdulrauf para sa legal proceedings.
Hindi pa ibinubunyag ng mga awtoridad ang detalye ng kaso.