Advertisers

Advertisers

6 NPA TODAS SA BAKBAKAN SA NORTHERN SAMAR

0 14

Advertisers

PATAY ang anim na miembro ng New People’s Army sa engkwentro sa 19th Infantry “Commando” Battalion sa Barangay Paco, Las Navas, Northern Samar nitong Lunes, Disyembre 2.

Ang mga nasawi ay miyembro ng Subregional Committee Emporium, Eastern Visayas Regional Party Committee sa ilalim nina Ariel Baselga alyas Poly at Aries.



Isang sibilyan ang nag-tip sa militar na may isang grupo ng mga armadong lalaki ang dumaraan sa kanilang barangay.

Ipinakalat ang mga sundalo at nadiskubre ang isang pinagtaguan ng NPA, na napapaligiran ng mga ipinagbabawal na anti-personnel mine.

Tumawag ang mga tropa ng suporta ng artilerya at nakipagbakbakan sa mga rebeldeng komunista sa loob ng halos 30 minuto.

Limang lalaking gerilya at isang amazona ang napatay sa bakbakan.

Narekober sa lugar ang 2 M16 rifle, 2 pistola, 3 granada, at mga personal na gamit.

Samantala, dalawang rebeldeng NPA ang sumuko dala ang kanilang mga armas mula sa Subregional Committee Sesame sa 78th Infantry Battalion sa ilalim ng 8th Infantry Division sa Barangay San Gabriel, Borongan City, Eastern Samar noong Linggo, Disyembre 1.(Mark Obleada)