Advertisers
HINDI kayang pantayan ang tradisyunal na kasiyahan ng mga Las Piñeros nang muling idinaos ang 19th Parol Festival at 15th Street Dancing competition ngayong Huwebes, December 12,2024 sa Villar SIPAG complex , Las Pinas City.
Ito ay alinsunod sa kanilang commitment na suportahan ang lantern industry kung kaya’t naging Metro Manila parol-making capital ang Las Piñas at isulong ang environmental sustainability.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, naging bahagi ng buhay ng mga Las Piñeros ang makukulay na kaganapang ito bilang pagdiriwang sa darating na Kapaskuhan. Labing anim indibidwal ang sumali sa parol making contest na gawa mula sa recycled materials na may ibat-ibang desenyo.
Kinilala ni Villar ang patuloy na passion ng Las Piñeros na makagawa ng kakaiba at environmental na friendly “parol” kaya nangingibabaw ang Las Piñas pagdating sa parol.
Ang mga nanalo sa taunang parol-making contest ay sina: Grand prize winner- Luzviminda Gallardo, P20,000; 1st runner-up Glecy Dela Cruz, P15,000; at 2nd runner-up Richard Loverez , P10,000.
Ang labing anim naman na kalahok sa street-dancing competition mula sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school sa Las Piñas ang nagpakitang gilas sa harap nila Senators Cynthia at Mark Villar at Congresswoman Camille Villar.
Ang mga nagwagi sa Best in Costume : CAA Elementary School ( P10,000 ); 2nd runner-up ang Dona Manuela Elementary School ( P20,000); 1st runner-up ang Moonwalk Elementary School (P 30,000) at ang Grand Champion na CAA Elementary School ay tumanggap ng tumataginting na P50,000.00.
Bahagi ng kumpetisyon ang adhikain ni Villar na isulong ang garbage recycling at efficient solid waste management. Ang mga kooperatiba na nakapagbigay ng mga malalaking kontribusyon sa kanilang mga nasasakupang lalawigan at lungsod ay nabigyan ng natatanging parangal ng Villar Sipag Foundation. (JOJO SADIWA)



