Advertisers
KOPYANG kopya ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang pag-uugali ng kanyang ama, ex-President Rody “Digong” Duterte. Pareho silang magaling magdrama, maglubid ng mga katotohanan at magbuladas na pasok sa panlasa ng masang kulang sa pang-unawa.
Ang pinaka-latest na drama ni VP Sara na inatake ng mga matatalinong netizens pero pinalakpakan ng mga kulang sa pag-iisip nating mga kababayan, magpapadala raw ng pera ang kanyang ama (Digong) para pang-hire niya ng mga abogado na magdedepensa sa kanya kapag nilitis siya sa korte.
Sabi ng netizens, isang malaking kasinungalingan na walang pera si VP Sara eh bilyon-bilyong piso ang naging confidential funds niya na hindi niya direktang maipaliwanag kung saan nalustay.
Sabi pa ni VP Sara, hindi na siya kukuha ng security na mula sa militar dahil wala na siyang tiwala sa mga ito. Sus! Eh kanino niya ba ipinaabot ng daan-daang milyon pisong confi funds matapos widrohin, ‘di ba sa dalawang security officers niya?
Nawala lang naman ang tiwala ni VP Sara sa militar nang ibunyag ng dalawang military officials na inatasan sila ng bise presidente na kunin ang pera mula sa disbursing officer ng Office of the Vice President. Mismo!
Palusot pa ni VP Sara sa mga nabuking na multong sina Mary Grace Piattos, Kokoy Villamin, Oishi, Tempura, etc… na benepisyaryo ng confi funds, kaya ayaw niyang ibunyag ang tunay na pagkatao ng naturang mga benepisyaryo ay dahil makokompromiso raw ang intelligence operation ng mga ahensiya. Asus!!!
Sa tingin ko, kapag nabigyan pa ng pagkakataon ang mga Duterte na pamunuan ang Pilipinas, malamang mababangkarote na ang bansa. Peks man!
Oo! Kung ating maaalala, nang maupo si Digong na pangulo noong 2016, ang utang ng Pilipinas under late Pres. Noynoy Aquino ay P6 trillion lamang, walang confi funds ang Office of the Vice President at Department of Education. Pero pagkatapos ng termino (2022) ng matandang Duterte, ang utang ng bansa ay nadoble, naging P13 trillion. Nagkaroon ng daan-daang milyones na confi funds ang OVP at DepEd under Sara. At ayaw niyang ipaliwanag ito kung saan ginamit, ayaw niyang kinukuwestyon siya. Tingin niya sariling pera niya itong public funds. Animal!!!
Kapag ang katulad ni Sara ang maging lider ng bansa, malamang masimot ang kaban ng bansa. Peks man!
Oo! Tama na ang isang Duterte na nambudol sa atin noong 2016 – 2022. Period!
***
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, hindi magagamit na pansalag ni VP Sara ang 32 milyong bomoto sa kanya para mapigilan ang impeachment process laban sa kanya.
Ito ay reaksyon ni Garcia sa ipinangangalandakan ni VP Sara na hindi siya basta-basta mapapatalsik sa puwesto dahil ibinoto siya ng 32 milyong Pinoy noong Mayo 2022.
Dalawang impeachment complaints na ang inihain sa House of Representatives laban kay VP Sara kaugnay ng maling paggamit sa kanyang P612.5 million confi funds ng OVP at DepEd.
Ang ikatlong impeachment complaimt ay nakatakdang isampa sa sunod na linggo.
Bukod sa impeachment complaints, malamang na mahaharap din sa patong-patong na kasong kriminal si VP Sara dahil sa isyu ng paglustay sa confidential funds ng dalawang tanggapan. Araguy!!!
Ang ama naman ni VP Sara na si Digong ay nahaharap sa kasong ‘Crimes Against Humanity’ sa International Criminal Court .
Pinagbabayad na sila ng kanilang kahunghangan!!!