Advertisers

Advertisers

RUFA MAE HAHARAP SA SEC VIA ZOOM; ANAK NI NADIA KAY BARON, NAGSALITA NA!

0 22

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAKAUSAP umano ni Ogie Diaz si Rufa Mae Quinto at isa raw sa nabanggit nito ay ang susunod na proseso ay ang kasong kinakaharap niya tulad ng kay Neri Naig.

Ibinalita rin ng actress-comedienne na nakauwi na ang kanyang mister na si Trevor Magallanes matapos itong maaresto kamakailan.



Hinggil sa kasong kanyang kinakaharap, ani OD, “Siya naman ay nakatakdang humarap sa SEC… via ZOOM” base sa inilahad sa kanya ni Rufa Mae.

Matatandaang matapos si Neri ay si Rufa Mae naman ang nagkaroon ng isyu na halos pareho sa sitwasyon kaugnay umano sa investment scam ng Dermacare beauty clinic. Pareho silang celebrity endorsers nito.



Kasalukuyang nasa Amerika pa rin si Rufa Mae dahil gusto raw ng anak nitong si Athena na doon mag-Pasko.

***



ANAK NI BARON
KAY NADIA NA SI
SOPHIA NAGSALITA!

NAGSALITA ang anak ni Nadia Montenegro na si Sophia Asistio tungkol sa amang si Baron Geisler.

Na-interview ang mag-ina kamakailan sa isang programa ng GMA-7.

Inamin ng dating aktres na may anak siya kay Baron.

Naging talk of the town ang isyu dahil ang tagal na itinago ni Nadia ang tungkol sa pagkatao ng anak na si Sophia.

Na-mention kasi ng aktor na may anak na siyang babae bago pa man iniluwal ng misis niyang si Jamie Evangelista ang kanilang daughter.

Nag-viral ang isyu nang banggitin ni Baron na may anak siya kay Nadia.

Then, veteran entertainment writer Cristy Fermin felt vindicated that Baron had already spoken about this because, years ago, she revealed this matter in a report but the actress sued her.

Bandang huli ay inamin na rin ni

Nadia sa publiko na ang bunsong anak na si Sophia ang anak ni Baron.

Hindi umano sinabi ni Nadia noon na ang aktor ang tunay nitong ama until she asked about this when she was 16 years old.

Tinuring naman daw na tunay na anak ng kanyang late husband Boy Asistio si Sophia.

Ni-request daw ni Asistio ang buong katotohanan na sabihin sa bunsong anak kapag siya ay nawala na.

Sophia also shared that she talked about this to her Daddy Boy because he has a soft place in her heart.

Ayon kay Sophia, wala raw siyang intention na baguhin ang kanyang last name.

“When I see comments na parang, ‘Bakit ganito yung apelyido mo, ganito, ganyan,’ ngayon ko lang sasagutin, because like, ‘I’m very proud sa apelyido na meron ako ngayon. I take pride. And kung hindi ko siya kailangan palitan, hindi ko papalitan yung apelyido ko, guys. Hindi talaga,” ani Sophia.

Nang tanungin siya kung ano ang tawag niya kay Baron?

Aniya, she could not find the right term yet at kung nagkakausap naman daw sila ng actor lagi naman daw siyang nagsasabi ng po at opo tanda ng paggalang sa amang aktor.

“Siyempre, hindi ko rin ika-cut off yung ganung opportunity, baka may mahanap ako sa sarili ko na mas makabubuti pala sa akin.”

She was thinking that she might learn from this to help her grow as a person.

The actress knows how painful it is that the public is talking about their lives when people do not really know what was happening.

“The right time will come naman, kasi hindi naman kayang ako lang mag-isa ang gumagawa ng paraan. Hindi rin naman po puwedeng siya lang ang gumagawa ng paraan,” dagdag ni Sophia.