Advertisers

Advertisers

WHAT’S THE REAL SCORE SECRETARY TEODORO?

0 27

Advertisers

Muling pinagtibay ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang commitment ng ahensiya na manatiling matatag sa pangangalaga ng pambansang soberanya at pagtataguyod ng mga makataong pagpapahalaga, na sumasalamin sa kabuuang tema ng katatagan at pagkakaisa.

Binigyang diin ng Kalihim na ang organisasyong pandepensa ay dapat “hindi payagan ang Pilipinas na sumailalim sa anumang mga baluktot na mga salaysay.

Ginawa ni Teodoro ang pahayag sa isinagawang annual joint New Year’s Call ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginanap nuong Biyernes, January 3,2025 sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.



Samantala, pansin ng mga DND reporters na nagcover ng pagpupulong na tila stress si Sec.Teodoro sa kabuuan ng nasabing event.

Napuna rin ng media na ” no mention” sa talakayan ang mainit na isyu sa presensiya ng KONTROBERSYAL na pagpasok sa territorial waters ng bansa ng tinaguriang “monster ship” ng China.



Obviously, isa itong direktang banta sa soberenya ng Pilipinas dahil isang sophisticated & modern warship ito na nag-envade sa teritoryo ng bansa.

Ang tanong,sinadya ba ni Teodoro na di ito talakayin sa nasabing meeting?



Di rin nabanggit kung may augmentations na hiniling o hiningi ang PNP sa AFP para sa dalawang malaking mass events na nakatakdang idaos sa mga nalalapit na araw.

We are speaking of kapistahan ng Itim na Nazareno sa darating na Huwebes January 9 at ang nakatakdang malaking rally ng Iglesia Ni Cristo ( INC) sa Lunes,January 13.

Nakapagtataka na “no mention” again ang mga importanteng bagay na ito sa nasabing talakayan.

What’s the real score Secretary Teodoro sir?

Ano nga ba ang tunay na katatayuan ng estado ng bansa.

May dapat bang ikabahala ang mga mamamayang Pilipino?

May itinatago ba kayo sa bayan mahal na Kalihim?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com