Advertisers
KINASUHAN ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) ang isang ex-Army captain ng inciting to sedition.
Sinabi ni Police Brigadier General Nicolas Torre III, direktor ng CIDG, na personal na nagtungo sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ), na si dating Army Captain Enrique Climente ay may kinalaman sa kanyang personal vlog sa YouTube.
Sa kanyang vlog, nanawagan si Climente sa uniformed personnel na mag-withdraw ng suporta kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Ginawa raw ni Clemente ang panawagan noong kasagsagan ng pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy at nitong kasagsagan ng banat ni Vice President Sara Duterte-Carpio kina Pang. Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Gamit ang iba’t-ibang account sa YouTube, nagawa ni Climente na batikusin ang gobyerno at pilit na nanghihikayat sa mga sundalo at pulis na iatras ang kanilang suporta sa kasalukuyang pa-mahalaan.(Jocelyn Tabangcura)