Advertisers
UMAASA pa rin ang ilang personalidad sa ating bansa na ang INTERNATIONAL CRIMINAL COURT (ICC) ay makapaglalabas ng warrant of arrest ngayong taon laban kay EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE hinggil sa mga kaso laban sa mga karapatang-pantao hinggil sa inilunsad noon na WAR ON DRUGS.
Sa ginanap na THE AGENDA FORUM sa CLUB FILIPINO nitong January 17, 2025 na ang moderator host ay si ATTY. SIGFRED MISON ay naging panauhin si ICC ASSISTANT TO COUNSEL ATTY. KRISTINA CONTI na ipinunto nitong.., “the ICC does not meddle with politicians and would not look for the support of the public to prosecute the former President for the crimes against humanity”.
Inihayag ni ATTY. CONTI na ang ICC ay naglabas ng WARRANT OF ARREST laban kay ISRAELI PRIME MINISTER BENJAMIN NETANYAHU hinggil sa HAMAS-PALESTINIAN CONFLICT gayundin kay RUSSIAN PRESIDENT VLADIMIR PUTIN hinggil sa pakikipagdigma laban sa UKRAINE.., kaya umaasa si ATTY CONTI na maiisyuhan din ng WARRANT OF ARREST si EX-PRES. DUTERTE patungkol sa CRIME AGAINST HUMANITY dahil sa inilunsad nito sa kaniyang termino noon na BLOODY WAR ON DRUGS.
“The ICC does not consider immunity whether or not a President or a Vice President,” pagpupunto ni ATTY. CONTI patungkol sa CRIME AGAINST HUMANITY na isinampa sa ICC laban kay EX-PRES. DUTERTE.
Inihayag pa ni ATTY. CONTI na may 7,540 ang namatay o napatay sa police operations patungkol sa WAR ON DRUGS sa DUTERTE ADMINISTRATION na walang kaukulang imbestigasyon maliban pa sa umano’y 30,000-katao na pinatay.
Naihayag naman ni dating PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL ATTY. SALVADOR PANELO na tama umano si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR sa pagsasabing ang ICC ay walang hurisdiksiyon sa war on drugs sa ating bansa at ang umano’y 30,000 na inilabas ng Rappler at ang 6,000 sa official record na konektado sa war on drugs noong DUTERTE ADMINISTRATION taong 2016-2022.
Mga ka-ARYA.., ang usaping ito ay labanan na ng mga matitikas na abogado sa ating BANSA.., na sana ay manaig ang katotohanan pabor sa HUMAN RIGHTS!
***
PAALAM DELILAH TROPIA MARIANO NG CUYAPO, NUEVA ECIJA..
Ipinaaabot ng pamilyang MARIANO at TROPIA sa lahat ng mga kamag-anakan, kakilala, kaibigan at katrabaho.., si DELILAH TROPIA MARIANO (asawa ni DIONISIO MARIANO) na residente sa BARANGAY BUED, CUYAPO, NUEVA ECIJA ay namayapa na nitong January 15 sa edad na 42.
Ang labi ni DELILAH MARIANO (isa sa mga pamangkin ko sa aking mga pinsang-buo) ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang bahay sa BRGY. BUED na ito ay nakatakdang ihatid sa kaniyang huling hantungan sa CUYAPO CEMETERY ngayong January 23, 2025 (Huwebes) sa ganap na alas-9:00 ng umaga.
Naulila ni DELILAH ang kaniyang asawang si DIONY MARIANO at kanilang mga anak na si STEPHANIE LAICA at CLAISA.
Pakikiramay at nawa’y lalo pang magpakatatag sa lahat ng magiging hamon sa buhay at laging manalig sa ating PANGINOONG DIYOS ang tanging mensahe ng ARYA sa pamilya ni DIONY MARIANO at sa mga kapatid ng namayapang si DELILAH na sina RICHARD at FERDINAND TROPIA gayundin sa kanilang ina na si SHIRLEY CABUDOL TROPIA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com
para sa inyo pong mga panig.