Advertisers

Advertisers

FIESTA NG LIPA CITY NILULUNOD NG SUGAL!

0 1,051

Advertisers

NAIS ipabatid ng SIKRETA kay Lipa City Mayor Eric Africa na marami ang nabubuwesit dahil sa pag-aakalang may kinalaman at kinukunsinti nito at ng kanyang kapulisan ang pagkapaglatag ng mga permanenteng puesto pijo na mga pasugalan sa siyudad at sa kalapit na mga barangay upang maipakita lamang sa madla na magarbo ang paggunita ng mga Lipeño sa kapiyestahan ng kanilang patron Saint Sebastian.

Tuwing ika-20 ng Enero ay ginugunita ng mga taga Lipa City ang kapiyestahan ng patron San Sebastian ang Saint of the Archer. Isang military captain sa Roma noong AG 288, namatay bilang isang martyr dahil sa pagtatanggol sa kanyang pananampalataya bilang sagradong Kristiyano.

Ipinagdiriwang ang araw ni San Sebastian ng mga taga Lipa na tanging maipagmamalaki ng mga Batangueño na angkan ng mga mamamayan na maka-Diyos, makatao, makabayan, makakalikasan at mapagmalasakit sa kapwa.



Sa paglipas ng panahon ay unti-unting nabago at naglaho ang mga katangiang ito ng mga taga Lipa at walang ibang masisisi kundi ang parang kabute na pagsusulputan ng illegal vices tulad ng operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies, sakla at ang salot na pergalan (perya na pulos sugalan) na dati ay tradisyunal na karnabal o peryahan.

Dati ay mga entertainment tulad ng stage play, circus at mga rides lamang ang itinatampok sa mga mini carnival na may permisong iniisyu mula sa tanggapan ng alkalde tulad ni Mayor Africa.



Ngunit dumating ang puntong ginamit na gimik at front ang isyung Permit To Operate Mini-Carnival o Perya upang maipagpatuloy ng mga salot sa lipunang maintainer ang mga pasugalan ang kanilang tagong agenda.

Dito ngayon nagugumon ang mga taga Lipa City, bakasyonista at mga bisita na naghahangad na maranasan ang kasagraduhan ng pagdaraos ng Fiesta ng siyudad ni Mayor Africa.



Imposible naman na walang alam sina Mayor Africa at Lipa City Police Chief Lt Col. Rix Villarial sa talamak na operasyon ng mga pasugal sa mga Barangay ng Sabang at Talisay. Mga madadayang pasugal tulad ng color games, beto-beto, cara y cruz (Tao-Ibon), drop balls, kalaskas, skylab at iba pang mga labag sa batas na table card games ang tampok sa naturang mga pergalan.

May ulat ang ating mga KASIKRETA na umaabot sa Php 3M ang naibubulsa ng ilang local government at police official upang magbulag-bulagan, magbingi-bingihan sa mga reklamong ibinabato sa operasyon ng mga naturang sugalan na front pa ng bentahan ng shabu. Ang mga sugalan na may shabuhan ay karaniwang tumatagal hanggang January 30 taon-taon at kahit tapos na ang selebrasyon ng Lipa City Fiesta.

Nagdududa tuloy ang mga taga Lipa City na aaksyon laban sa mga pasugalang ito sa Brgy. Sabang at Talisay sina Batangas PNP Director Col. Jacinto “Jack” Malinao Jr., Mayor Africa at LtCol. Rix Villarial, pati na sina Criminal Investigation and Detection Group RFU 4A Col. Emerick Sibalo at Batangas CIDG ProvinciaL Officer LtCol. Jake Barila.

Marahil naniniwala ang mga ito na walang kapangyarihan ang kanilang mga superior officer na sibakin sila sa kani-kanilang pwesto pagkat umiiral na ang Election Ban?

Malinaw naman ang pahayag ni COMELEC Chairman Atty. George Garcia na kapag may kahilingan o Request to Transfer sa sinumang police official at personnel, ang higher ups tulad nina PNP Chief Rommel Francisco Marbil at CIDG Director MGen. Nicolas Torre III ay kanilang aaksyunan sa loob lamang ng three working days ang naturang kahilingan.

Kaya kung meron man sa mga police official na ang ipinangangalandakan ay ang pangalan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay makabubuting maghunos-dili kayo?

***

Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144.