Advertisers

Advertisers

Mark dedma sa bashers, sumayaw ulit sa gaybar

0 14

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

HINDI natinag ng mga bashers at intriga si Mark Herras matapos mag-perform sa gay bar noong January 10. Kahit ang dating manager na si Lolit Solis ay nagpahayag ng pagkadimasya sa naging desisyon ng dating alaga samantalang ang iba naman ay naawa sa aktor.

Dedma lang si Mark at tuloy ang repeat performance niya noong isang gabi sa pareho ring gay bar. Masaya naman ang may-ari ng nasabing bar dahil napuno na naman ng customer ito.



Umaasa pa rin naman ang mga tagahanga ni Mark na sana raw ay maisip ng kaniyang network na bigyan siya muli ng proyekto para raw hindi na ito umabot sa ganitong kalagayan na sa kawalan ng raket ay pinapatulan ang sumayaw sa isang gay bar.

Wala naman daw masama sa pag-perform, pero hindi gusto ng iba niyang faney na sa ganitong venue umabot ang kauna unahang Male Startruck Survivor. Malayo sa naabot na ng mga kasabayang sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes at iba pa.



***

NAG-ORGANIZE ng surprise graduation party noong Huwebes, January 30, para kay Janah Zaplan ang kanyang mga magulang na sina Daddy Boyet at Mommy Dencie Zaplan, dahil nakapagtapos na ng kursong BS in Aviation Major In Flying ang singer-actress. Isa nang ganap na pilot ang dalaga. Siya na si Capt Pilot Janah Zaplan..



Kung na-surprise si Janah sa pa-surprise ng kanyang mga magulang, na-surprise rin niya ang mga ito. Paano kasi, nagtapos si Janah bilang isang cum laude. Hindi niya ‘yun ipinaalam kina Daddy Boyet at Mommy Dencie. Nalaman lang ng mga ito during her graduation.

Siyempre pa, proud parents sina Daddy Boyet at Mommy Dencie sa achivements ng kanilang anak, na nakapagtapos na, at cum laude pa. Beauty and brain talaga si Janah, at talented pa, huh!

Congratulations Capt.Pilot Janah Zaplan!