Advertisers
MULING nilinaw ng Malacañang na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, tanging ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ang may kapangyarihang magpasimula at kumilos ukol sa mga reklamo ng impeachment.
Ginawa ni Bersamin ang pahayag matapos igiit ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na kung hindi nagbigay ng pahayag si PBBM na wala siyang panahon para sa impeachment ay maaaring umusad na aniya ito sa Kamara.
Paliwanag ni Bersamin, bilang paggalang sa mga institusyon, hindi makikialam ang Pangulo sa isang bagay na saklaw ng isang co-equal branch of government. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)