Partidong KBL Ni Super Mahra Tamondong Binati At Inendorso Ni PBBM; “The Caretakers” Ng Rein Entertainment Productions At Regal Entertainment Inc, Ang Lakas Ng Global Appeal
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
SOBRANG saya ni Manila Mayoral candidate Super Mahra Tamondong at ang kanyang Team sa nalalapit na 2025 Midterm Election sa May 12.
Dahil maliban sa binati ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang partido nilang KILUSANG BAGONG LIPUNAN (KBL) ay inendorso pa sila ni PBBM.
Well, certified Marcos loyalist si Super Mahra at ang kanyang buong pamilya. Kaya hanggang ngayon ay suportado at mahal ng magandang kandidata ang Marcos government. At majority ng supporters ni Super Mahra ay mga loyalista na very loyal rin lahat sa kanya.
Well, masasabing ang partidong KBL ay institusyon na at itinatag ito ni Late Ferdinand Edralin Marcos noong 1978 na kanyang partido tuwing election. At dahil Marcos loyalist nga si Super Mahra nang mag-decide siya last minute na mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa harap ng maraming senior citizens sa Maynila ay ang KBL ang pinili niyang maging tiket sa pagtakbong Mayor.
Kaya sobrang na-appreciate ni Super Mahra at ng kanyang Vice Mayor na si Remy Oyales at anim na Councilors na mula sa District 1,4,5 and 6 na sina Sylvia Manansala, Boyet Mariño, Edwin Cayetano, Harry Huecas, Jett Magno, Strauss Tugnao at Edwin Pilola Salve. At para sa mga nagdududa sa Team Super Mahra ay subukan niyo muna bago niyo sila husgahan. At dapat, kung matalino kang botante ay piliin mo ay yung bagong mamumuno ng Maynila na si Super Mahra Tamondong na subok at napatunayan ng maraming Manilenyos sa kanyang pagtulong ng maraming taon na walang ginamit na pondo ng bayan kundi mula sa sarili niyang pera.
At hindi pa siya nakaupo sa pwesto niyan. What more kapag si Super Mahra ang iboto ng nakararaming Manileños. Tiyak na sasaya at aasenso ang buhay ng lahat.
Last week pala ay namigay ng t-shirts at ayuda si Super Mahra at ang kanyang Team sa mga vendors sa Maynila kabilang na ang Divisoria Market.
Sumampa pa siya sa harapan ng jeep upang maihayag ng malinaw sa lahat ang maganda at kapaki-pakinabang niyang plataporma!
***
YES, ang lakas talaga ng global appeal ng bagong handog na eco-horror movie ng Regal Entertainment Inc at Rein Entertainment na “THE CARETAKERS.” At kung pagbabasehan ang trailer ng pelikula ay tiyak na sa umpisa pa lang ay makararamdam ka na agad ng takot at kasama mo sa sinehan. Lalo na sa mga eksenang nagsilabasan ang mga nanahan sa bahay na ibinebenta ni Iza Calzado na pag-aari ng kanyang mister, na mahigpit na tinututulan ng caretaker ng bahay na si Dimples Romana.
Pino-protektahan kasi ni Dimples ang property na ito kung saan nakatira sila ng kanyang pamilya ng maraming taon. Well, forte ni Iza ang horror na pelikula. Yung pinagbidahan nito na “Shake Rattle & Roll Extreme” na ipinalabas last November 2023 ay kumita at naging number one movie pa sa Netflix. At sa rami ng katatakutang pelikulang nagawa ng actress ay binansagan na siyang “Mother of Philippine Horror.”
Also, si Dimples mahusay rin siya sa larangang ito kahit drama ang kanyang forte. Infairness, kapwa magagaling din ang dalawang batang babae na gumaganap na mga anak nina Iza at Dimples. Samantala, sa recent junket presscon ng The Caretakers ay batch by batch with my co-entertainment press also editors and mga kilalang vloggers ay aming na-interview sina Iza at Dimples. Ibinida ng dalawa kung gaano sila ka-spoiled sa set. Iba raw talaga magmahal ang Rein Entertainment Productions at may pa box of fruits pa sa kanila. Saka pantay-pantay ang treatment sa kanila. Kung ano ang kinakain nilang mga artista ay yun din ang food ng maliliit na tao sa production. Nang matanong naman si Iza about sa movie nila ni Dimples. Na kilala siya sa ganitong horror genre? “This is partly my main genre; horror and suspense perhaps. And I have been recognized. It was in Sigaw that I received my Urian Award for Best Supporting Actress.
Sa San Miguel, Bulacan pala nag-shoot ang The Caretakers at si Shugo Praico ang director ng kaabang-abang na pelikula. Parte rin ng cast sina Ashley Sarmiento, Marco Masa, Althea Ruedas, Erika Clemente, Erin Espiritu at may special participation ang famous voice over artist na si Inka Magnaye also Jake Taylor. Palabas na ito simula February 26, 2025 sa cinemas nationwide. Magkakaroon din ito ng premiere night soon!