Advertisers

Advertisers

Sabog si Sara kay Madriaga

0 29

Advertisers

KUNG totoo itong mga nakalagay sa sinumpaang salaysay ni Ramil Madriaga laban kay Vice President Sara Duterte, malamang ito na ang magiging katapusan ng political career ni “Inday”.

Si Madriaga ay dating “intel officer” na nagsilbi kay dating Pangulo “Digong” Duterte at naging “bagman” kuno ni Inday Sara sa pagtakbo nitong Bise Presidente noong 2022.

Idinetalye ni Madriaga ang pag-deliver niya ng limpak limpak na pera sa iba’t ibang lugar noong eleksyon, pati ng intelligence fund ni VP Sara.

Ikinuwento rin niya na ang nagpondo sa kandidatura ni VP Sara ay ang illegal POGO operators ay drug lords.

Si Madriaga ay kasalukuyan nakakulong sa BJMP sa Taguig City sa kasong kidnapping mula 2023.

Ibinunyag ni Madriaga ang lahat nang ito dahil sa pangamba raw sa kanyang buhay. Makailang beses na raw kasi itong pinuntahan ni VP sara sa kulungan kahit dis-oras ng gabi, kinakausap para hindi raw magsalita tungkol sa mga nalalaman nito.

Nagalit daw itong si Madriaga kay VP Sara dahil siya’y pinabayaan, inabandona, sa kanyang kaso kaya nakulong.

Si Madriaga ay kinasuhan ng mga Intsik ng kidnapping, at ang tumutulong sa mga Chinese na ito ay ang dating spokesman ni Digong na si Atty. Harry Roque.

Nagkademandahan sina Madriaga at Roque.

Tinutulungan daw kasi ni Madriaga ang may-ari ng lupa sa Bataan na gusto angkinin ng grupo ni Roque para pagtayuan ng POGO.

Para mapatahimik si Madriaga, kinasuhan ito ng kidnapping ng grupo ni Roque at ito’y nakulong.

Humingi raw ng tulong si Madriaga kay VP Sara, pero ‘di siya inintindi ng huli, sa kabila ng mga ginawa nitong pagtulong sa Duterte noong 2022 election at pagkaupo nito bilang Bise Presidente.

Dahil dito, isiniwalat ni Madriaga ang lahat ng mga nilalaman laban kay VP Sara at sa mister nitong si Mans Carpio. Kasabay nito ang pagkalat ng larawan nilang dalawa ni Sara sa social media.

Wala pang reaksyon si VP Sara sa mga ibinunyag ni Madriaga. Kaabang-abang ito.

Pero ang dating kumander ng Vice Presidential Security Group (VPSG) ay nagsabing hindi niya kilala si Madriaga at walang Madriaga na naging tauhan niya.

***

Walong indibidwal ang nag-file ng reklamong Plunder sa Ombudsman laban kay Vice President Sara Duterte nitong Biyernes, December 12, 2025.

Ito’y sina Ramon Magsaysay awardee Fr. Flavio Villanueva, running priest Robert Reyes, ex-presidential adviser Ging Deles, UP professor Sulvia Claudio, ex-finance undersecretary Cielo Magno, writer Chris Cabahug at youth leaders Matthew Silverio at John Lloyd Crisostomo. Mga respetadong tao sa lipunan ang grupong ito. Hindi masasabing sila’y nasuhulan at nasulsulan sa pagbangga sa Pangalawang Pangulo.

Ang reklamo ay kaugnay ng umano’y maling paggamit ng VP sa P612 million confidential funds.

May nakatakda namang magsulong uli ng impeachment laban kay Sara kaugnay naman ng mga katiwaliang kinasasangkutan nito.

Magiging kalbaryo ang buhay ni Sara. Subaybayan!