Advertisers

Advertisers

PAGDUKOT SA SABUNGEROS PLANADO – DOJ

0 10

Advertisers

IPINAHAYAG ng Department of Justice (DOJ), na ayon sa paunang imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero, nagpakita na ang mga pagkawala ay isinagawa sa isang planado at sistematikong paraan.

Napansin din ng DOJ ang mga pattern sa pagkawala ng mga sabungero mula 2021 hanggang 2022 kungsaan ibat-ibang grupo ng mga suspek ang nagsagawa ng pagdukot at pagpatay.

Sinabi ng DOJ na nakatulong ang mga testimonya ng magkapatid na Patidongan, sina Julie at Ellakim, sa pagbuo ng nangyari sa mga pagdukot.



Ang kanilang mga testimonya ang basehan ng mga kasong isasampa laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at 21 pang suspek.

Ang mga reklamo laban sa magkapatid na Patidongan, na parehong tinanggap sa Witness Protection Program bilang mga testigo ng estado, ay tinanggal na.



Sinabi ni Fadullon na ang mga testimonya ng magkapatid na Patidongan ay susuporta sa mga kaso para sa higit sa 20 sa 34 nawawalang sabungero.

May mga kasong isinasampa parin para sa iba pang nawawalang sabungero.



Sa halos 60 personalidad na binanggit ng magkapatid na Patidongan sa kanilang mga testimonya, 22 ang kinasuhan, kabilang si Ang.

Ang mga kaso laban sa iba pa, kabilang ang aktres na si Gretchen Barretto, ay tinanggal dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ang ebidensya ng DOJ ay hindi pa kasama ang mga labi at buto na nakuha sa Lawa ng Taal dahil wala pang resulta ng DNA test.

Isasampa ng DOJ ang mga kaso sa iba’t ibang korte sa susunod na linggo.

Plano rin ng DOJ na humingi ng konsolidasyon ng mga kaso sa court administrator. Ang mga kaso ay isinasagawa sa Regional Trial Court ng Maynila.

Magkakaroon ng paunang imbestigasyon upang matukoy kung isasama si Ang sa mga kasong ito sa korte ng Maynila.(Jocelyn Domenden)