Advertisers

Advertisers

2 empleyado ng BIR kinasuhan sa panunuhol, korapsyon

0 11

Advertisers

NAGHAIN ng reklamong administratibo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa direct bribery at korapsyon sa dalawang empleyado nito na naaresto sa entrapment operation sa Taguig City.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pang-aabuso sa paggamit ng ‘letters of authority’ (LOA), sinabi ni BIR Commissioner Charlie Mendoza na agad niyang ipinag-utos ang preventive suspension ni Revenue Officer Elisha Dimayacyac at Group Supervisor Grace Lapu-os, at naglunsad ng formal investigation sa insidente.

“An administrative case was filed against them. It is undergoing investigation. They were preventively suspended for 90 days. Ongoing ang formal investigation at hearing sa kaso nila,” ani Mendoza.



Naaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) si Dimayacyac at Lapu-Os sa operasyon sa Taguig City noong Oktubre nang maghain ng reklamo ang Hitch Park Solutions Inc. laban sa kanila.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na nakatanggap ang complainant ng LOA mula sa BIR Revenue District Office 044, na nagbibigay kapangyarihan sa mga empleyado ng BIR na suriin ang ‘books of account’ ng kompanya at iba pang internal revenue taxes records para sa 2024.



Humingi ng tulong ang Hitch Park Solutions Inc. sa kanilang company accountant sa insidente, at matapos ang pakikipag-usap kay Dimayacyac at Lapu-Os ay nagkaroon ng tax assessment ang kompanya na P36 milyon.

Kalaunan ay ibinaba sa P6 milyon ang tax assessment, ngunit nag-alok ang mga empleyado ng BIR na ayusin ito at pababain pa sa P800,000 na lamang at sinabing P200,000 lamang ang ilalagay sa resibo.



Ang nalalabing P600,000 umano ay ilalagay sa hiwalay na envelope at ihahatid sa opisina ng BIR sa Taguig.

Sa operasyon ay naaktuhan ang mga empleyado ng BIR na tumatanggap ng cash envelope sa napagkasunduang petsa noong Setyembre.

Agad na dinala ang mga ito sa Taguig City’s Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act (RA) No. 0319 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.