Advertisers

Advertisers

Abot-kayang kuryente, inter-island connectivity, para sa mas malagong ekonomiya

0 26

Advertisers

Sa tuwing dumarating si “Judith” este “due date” para sa bayarin sa kuryente, madalas na nagsasalubong ang kilay ng nakararami dahil sa taas ng bayaran kahit na mababa lang ang nakunsumo para sa buwan.

Ang iba nga o marami-rami din, kanilang iniisnab si “Judith” at hindi na baleng maputulan – tiis-tiis na lamang sa paggamit ng kandila o lampara.

Pero huwag mag-aalala dahil ang pahirap/pasanin ito ng pamilyang Pilipino ay posibleng mawawakasan na o mababawasan dahil ito ang isa sa isusulong ni senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. sa Senado – ang mga batas na magpapalawak sa pinagkukunan ng enerhiya sa paggamit ng masaganang renewable resources upang magkaroon ng mas matatag at abot-kayang suplay ng kuryente.



Ayon kay Abalos, dapat samantalahin ang saganang supply ng renewable energy sa Pilipinas upang maibsan ang pasanin ng mga pamilyang Pilipino sa mataas na singil sa kuryente, na isa sa pinakamahal sa buong mundo.

“Ang renewable energy sa ibang bansa ay 51% pero sa ating ay 18% to 22% lang kahit marami tayong kayang pagkukunan ng electricity sources gaya ng mga bulkan. Kung magkaroon ng magandang programa, gaya ng pagbibigay ng incentives at pagkakaroon ng mas masusing pag-aaral pa, malaking bagay ito para sa lahat dahil magiging mura ang kuryente sa atin,” dagdag ni Abalos.



Sa pag-aaral, ang Pilipinas ay may isa sa pinakamataas na presyo ng kuryente, hindi lamang sa Timog-Silangang Asya kundi maging sa buong mundo.

Katunayan, hindi lang pamilyang Pilipino ang naaapektuhan sa bayaran ng kuryente, kundi maging ang ekonomiya. Nakakahadlang ito sa mga mamumuhunan na dalhin ang kanilang negosyo sa bansa dahil sa mataas na gastos sa enerhiya.



Nabanggit na rin lang ang posibilidad na malaki ang maitutulong ng renewable energy sa ekonomiya sa bansa, nais din ni Abalos na mapalawak pa ang paglago ng ekonomiya sa Western Visayas sa pamamagitan ng island interconnectivity.

Ani Abalos, posible ito sa pagpapatupad ng Panay-Guimaras-Negros Bridge Project upang mapalakas hindi lamang ang turismo kundi ang ekonomiya sa rehiyon.

“Isa pa sa nakikita kong napakahalagang proyekto dito sa Western Visayas ay ang island interconnectivity, Napaka-importante po n’yan dahil it will spell growth and development hindi lang sa Iloilo kung hindi sa mga kapitbahay ninya dito sa rehiyon,” dagdag pa niya.

Matagal nang iminungkahi ang Panay-Guimaras-Negros Bridge Project upang mapalakas ang turismo at ekonomiya sa Western Visayas.

Kapag natapos, mababawasan ang oras ng biyahe sa pagitan ng Panay, Guimaras, at Negros mula 3-4 na oras patungo sa mas mababa sa isang oras lamang.

Dalawang pag-aaral na ang isinagawa upang maisakatuparan ang proyekto—ang una ay isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong 1999 at ang ikalawa ay isinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong 2010.

Dahil sa matagumpay na mga mega proyekto sa Iloilo City at iba pang bahagi ng Western Visayas, nangako si Abalos ng buong suporta upang tuluyang maisakatuparan ang proyekto, lalo na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos.