Advertisers
Ni Beth Gelena
VERY touching ang mensahe ni Sylvia Sanchez sa anak na si Ria Atayde bilang isa na rin itong ina.
Sa Instagram post ni Ibyang, pinuri niya si Ria kung papano nito ginagawang maging isang mabuting ina sa anak nila ni Zanjoe Marudo na si Sabino.
Sey ng award winning-actress, “Even when you were little, while I was away at work, you instinctively took on the role of protector and nurturer for your siblings.”
The actress praised her daughter saying, “Motherhood was always in you—it’s who you are @Ria.”
“And now, seeing you step into this beautiful new chapter, my heart overflows with pride,” wika pa ng very proud lola ni Sabino.
Puring-puri ni Sylvia ang eldest daughter.
“You are radiant, more gorgeous than ever, and I know you will be an incredible mother to Sabino! Love you my Potpot #gandamo nak.”
Nakatutuwa dahil ang anak niyang si Gela ay umapela.
“Ako talaga panganay niya @ria”
“Love you Ma!” wika naman ni ria.
***
MULING nabuksan ang isyu ng dating aktres na si Katherine Luna kaugnay sa anak niyang pina-DNA umano noon ni Coco Martin.
Sa unang pagkakataon ay muling nagpaunlak ang dating aktres patungkol sa anak na napabalita noon na anak ng dating karelasyong si Coco sa pamamagitan ng Julius Babao UNPLUGGED YouTube channel.
Nilinaw ni Luna na hindi kailanman siya nanghingi ng pera sa aktor noong panahong pinanganak niya si Nicole.
Aminado siyang simula noong tatlong taon ang anak ay unti-unti niyang nakikitang hindi si Coco ang kamukha ng anak.
Na lalong napagtibay nang lumabas ang resulta ng DNA.
Pinili umano niyang umiwas noong hindi niya alam kung paano niya babawiin ang lumabas nang balita.
Sumama rin daw ang loob niya sa ina nang ipahiram ang anak kay Coco nang hindi niya alam.
Nasa pangangalaga daw kasi ng ina ang anak.
Mas pinili niyang ilayo ang anak upang maiwasan ang anumang maling akusasyon na gumamit siya ng pera ng aktor.
Hindi siya umano humingi ng anumang suporta kay Coco at umalis siya sa eksena dahil sa hiya.
Sa kasalukuyan hindi pa rin daw nakikilala ni Nicole ang tunay na ama. Hindi rin daw ito taga-showbiz.
Pero, inamin niyang may asawa na rin siya ngayon na isang Chinese businessman at nag-aartista rin daw.
Sina Katherine at Coco ay nagkasama sa isang indie film, kung saan doon nagsimula ang kanilang ugnayan.
Ang layo ng tinatahak ni Coco sa showbiz.
Hindi lang siya isang aktor kundi director na sa industriya.
Ang kanyang pinaka-tanyag na papel ay bilang si “Cardo Dalisay” sa hit action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano,” na umere mula 2015 hanggang 2022.
Ang beteranang aktres na si Celia Rodriguez ay labis na humahanga sa kabutihan ng aktor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang masabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya.
Si Celia ay kasama sa ikatlong yugto ng Batang Quiapo.
***
MEGAN BINIDA MALAKING TYAN SA KANYANG KAARAWAN
FLINEX ni Megan Young ang baby bump sa kanyang birthday post.
Ss kanyang Instagram ay buong pagmamalaki na ibinida niya ang ipinagbubuntis na first baby nila ni Mikael Daez
Ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan ang laki na ng kanyang tiyan.
“Hello to 35! Celebrating with a baby in my belly!” caption ng Kapuso actress- beauty queen.
Aniya pa, “Had a chill celebration today with family by eating my cravings of the day – lechon manok & had a chocolate chip cookie to replace a birthday cake.”