Advertisers
Sumang-ayon ang mga bagong halal na kinatawang bayan mula sa ML at AKBAYAN Party-List na sina Leila de Lima at Chel Diokno sa alok ng tagapagsalita ng malawak na kapulungan na maging bahagi ng tagausig na gigisa sa ipinasisipang abalang pangulo. Di pa man pormal na nakapanumpa bilang halal na nominado ng mga banggit na party-list subalit may katiyakan na makakaupo base sa mga natamong bilang ng mga boto upang o bilang kinatawan ng Party-List. Sa totoo lang, hindi nagdalawang isip ang tagapagsalita ng malawak na kapulungan na isama ang mga batikang abogado bilang mga tagausig kapalit ng dalawang kinatawan na ‘di pinalad sa nakaraang halalan. At bilang mga abogado, ‘di matatawaran ang husay ng dalawang kinatawan kung babalikan ang mga karanasan bilang abogado.
Sa pagsasaliksik, hindi matatawaran ang karanasan ni Cong. D5 na naging hepe ng Komisyon ng Karapatang Pantao at naging Kalihim ng Kagawaran ng Hustisya at Senadora. Samantala, si Cong Chel Diokno’y isang mahusay na tagapagtanggol ng maraming kababayan na walang kakayahang magbayad ng abogado higit sa karapatang pantao. Isang dekano si Cong. Chel ng DLSU Law School na nagpapakita ng pagbibigay ng makatuwirang tindig sa mga usaping tungkol sa legal na usapin. At marahil ang dahilan kung bakit isinama bilang bahagi ng tagausig sa abalang pangulo mula sa malawak na kapulungan.
Sa napipintong pag-upo bilang kinatawan sa malawak na kapulungan at bahagi ng tagausig sa ipinasisipang abalang pangulo, tila nariyan ang galawang mahikero mula sa kaTimugan at kagyat na lumabas ang isang kautusan mula sa Hukuman ng Apela na ibig ipawalang bisa ang unang kautusan hatol ng RTC na nagpapawalang sala kay Cong. D5. Hindi maiwasan na mag-isip na kung saan hinugot ang kautusan na nagbabasura sa unang hatol na iginawad ng RTC na dumidinig sa usapin na kinakaharap ng dating senadora. Tunay na mahika ang inilabas na kautusan kuno mula sa CA na ipinababasura ang unang inilabas na hatol na nagpapawalang sala kay Cong. D5.
Maselan ang usapin ngunit ibig malinawan at nagsaliksik, na hindi nakakaapekto ang utos ng Court of Appeals higit hindi tapos o pinal ang usaping nasa harap. Maging ang Tserman ng Komisyon ng Halalan, na nagsabi na tuloy ang panunumpa ni Kong. D5 sa kadahilanang walang mga pagtutol na isinampa sa Komisyon laban sa ML Party-List maging sa nominado. Sa banggit na sitwasyon walang sagabal amg panunumpa ni D5 bilang kongresista ng ML Partylist.
Markado ang mga galawan na tila may iniwasang tao sa pagdating ng paglilitis sa pagpapasipa sa abalang pangulo na nangangatog sa takot sa nalamang ulat na naglalabasan. Walang alinlangan ang naganap na galawan subalit mauuwi sa wala ang mahika dahil hindi mababago ang kautusan at hindi maalis bilang kinatawan ng ML Party-List o makukulong ang isa sa abogadong magpapasipa kay Inday Siba. Ang galawang banggit ay bunga ng takot na nadarama na maaaring galing sa IwaHague ang payo ngunit nakalimutan na ‘di na panahon ng kanilang kasagsagan. Ang takot na sagad hanggang buto na dama sa mga kaTimugan na hihirit kahit batid ang kalalabasan.
Habang papalapit ng papalapit ang panahon ng pagdinig sa pagpapasipa kay Inday Siba, naglabasan ang iba’t ibang mahika ng mga akusasyon na ibinabato sa mga tagausig. Napansin ni Mang Juan maging ang Kinatawan mula sa Batangas ang inakusahan ng ‘di pagbabayad ng utang at maging ang asawa nito’y sinasabit sa usapin na walang basehan. Ang kagalingan, hinarap ng Kong Luistro ang hamon at hinikayat ang sino man na maglabas ng mga kaukulang dokumento upang patunayan ang mga banggit na akusasyon at haharapin kung saan. Ang mainam, tila walang ibig lumabas at tunay na paninira ang layon upang masira ang kredibilidad ng mahusay na abogado. Samantala, masasabing nagtagumpay sa ilang pagkakataon si Inday Siba ngunit higit malaki ang pagkagapi sa pagpasok ng ilang beteranong tagausig. Hello at Welcome Chel at Leila.
Sa totoo lang, ‘di nagbubunga ng maganda ang naglulubid ng kasinungalingan na karaniwang gawa ng mga kaTimugan na pumapakabila ang resulta. Sa pagkabila ng resulta sa salang gawa, hindi malaman ng kaTimugan kung paano sasanggain ang balik sa baluktot na gawa higit ang ‘di makatulong na ama na nasa malayong lupain. Ang hungkag sa kaalaman na pawang panlilibak ang gawa’y ang nagpapasikip sa ginalawan na naglalagay sa mangmang ng kaTimugan sa alanganin. Ang padaskol na mga pahayag at pag-aakusa ang susi sa higit na maayos na paghahanda na ganap na magpapasipa sa abalang pangulo.
Sa pagsusuri ng mga kaganapan, tila hindi pumapabor ang pagkakataon sa kaTimugan dahil ang mga pahayag na nagpapasidhi sa galit ng mga tatayong tagausig higit sa mga nagsipagwagi sa nakaraang halalan. Ang tindig na ipinakita ni Inday Siba ang nagsisiguro na walang bato na ‘di gagalawin upang patunayan ang salang gawa ng abalang pangulo. Sa totoo lang, sapat na ang mga nalikom na ebidensya na nagmula sa pagdinig ng malawak na kapulungan sa panlulustay ng salaping bayan sa mga tanggapan na hinawakan ni Inday Siba. Ang pagpapalalim sa usapin na lalahukan ng kaukulang dokumento ang magpapatunay ng salang gawa ng abalang pangulo.
Bilang panghuli, ang mapatunayan ang salang gawa ng abalang pangulo ang inaasahan na magaganap sa pagbubukas hanggang pagtatapos ng pagpapasipa kay Inday Siba. Ang pagpapatunay sa mga gawa’y nasa ngalan ni Mary Grace Piattos na nilikha ng mapagtakpan ang pangungurakot sa salaping bayan. Ang mapatunayan sa salang gawa’y kagalingan at hustisya kay Mang Juan na matagal ng paghihikahos sa buhay. Ang mabatid ang katotohanan sa likod ng salang gawa’y magpapalaya sa bayan at masasabing alang itinatangi ang batas at patas ang pagpapatupad.
Sa pagkakataon na maabswelto ang abalang pangulo sa likod ng mga kasapakat sa bugok na kapulungan, umaasa na lalagapak ang katarungan sa bansa at magtago na ang dapat magtago dahil hindi matatakasan ang balik ng halimaw ng kaTimugan. Ang naganap na paghahamon sa intablado ng Tondo’y ang larawan ng huling hirit ni Inday Siba na dapat pag-isipan. Umaayon ang Batingaw sa proseso ng katarungan at ang mapatunayan sa salang gawa na panlulustay sa salaping bayan ang inaasahan sa mga tagausig at hahatol. Matagal nang api si Mang Juan at matagal na ang salang serbisyong ngunit umaasa na ang tamang hatol ang ihahandog ng kongreso sa bayan. Sa mga huhukom, ibigay ang hatol na tama ng masabing patas ang batas sa lahat at walang kinikilingan.
Maraming Salamat po!!!!