Advertisers

Advertisers

Congressman Panaligan at Congressman Madrona mga pinagkakatiwalaang politiko sa MIMAROPA

0 16

Advertisers

SA nakalipas na halalan nitong Mayo 12, muling pinatunayan ni Congressman Arnan C. Panaligan na suportado parin siya ng mamamayang minbdoreño ng muli itong mahalal sa kanyang ikalawang termino bilang kinatawan ng First District ng Oriental Mindoro.

Si Panaligan ay nakakuha parin ng pinakamataas na boto na 191,043 na nagpapatunay na solido pa rin ang suporta ng mamamayang mindoreño mula sa bayan ng Baco, Victoria, Naujan, San Teodoro, Puerto Galera, Pola, Socorro at Calapan City.

Sa kabuuan, ng kanyang pangalawang termino bilang kinatawan ng unang distrito ng Oriental Mindoro, mataas parin ang voting preference ng mga mindoreño na pabor kay sa kanya base narin sa resulta ng nakalipas na May 12, 2025 midterm election.

Kadalasan kasi kapag incumbent politician ay bumababa ang suporta ng mga botante subalit napanatili ni Panaligan ang kanyang political status bilang pinagkakatiwalaang political leader sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ayon nga sa ilang residente na nakapanayam ng BALYADOR kung pwede nga lang na habambuhay ng naka-upo bilang Congressman si Panaligan ay susuportahan parin nila ito dahil sa hindi na mapapantayan ng ibang pulitiko ang mga nagawang development at proyekto nito mula sa pagiging City Mayor, Governor hanggang Congressman ng unang distrito ng Oriental Mindoro.
Sa unang termino ni Panaligan sa Kongreso, matagumpay nitong naisulong bilang principal author ang tatlong mahalagang batas sa larangan ng Agrikultura tulad ng Republic Act No. 11953 New Agrarian Reform Emancipaticion Act, Republic Act No. 12022 Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, at Republic Act No. 12078 Amenments to the Rice Tariffication Law.

Patuloy din na naninindigan si Congressman Panaligan na kanyang isusulong ang mga kaukulang batas at patakaran sa larangan ng agrikultura, maging ang kalusugan, edukasyon, kabuhayan, kalikasan, pambansang seguridad at gagampanan nito ng buong husay at katapatan ang pagdadala nang mga proyektong pang kaunlaran sa Unang Distrito ng Oriental Mindoro.

Nagpasalamat din siya sa kanyang mga kababayan sa suporta tiwala at pagtangkilik bilang kanilang Kinatawan sa Kongreso.

Nanindigan si Panaligan na ang panibagong mamdato o termino na ipinagkaloob sa kanya ay gagampanan niya nang buong sigasig at katapatan.

***

Muli ring pinagkatiwalaan ng mga Romblomanon si Congressman Eleandro Jesus Fabic “Budoy” Madrona matapos siyang muling mahalal bilang kinatawan ng lalawigan ng Romblon sa Kongreso para sa kanyang ikatlong termino.

Si Congressman Madrona ay nakakuha ng pinakamataas na boto na 106,753 kontra sa katunggali na si Vivien Carmona na nakakuha lamang ng 19,237 na boto.

Ang boto na nakuha ni Madrona ay nagpapatunay lamang na siya parin ang pinagkakatiwalaan ng mga Romblomanon kung saan hindi naka apekto sa kanyang kandidatura ang isyu ng “mining” sa isla ng Sibuyan na ipinupukol sa kanya nitong nakalipas na halalan.

Ang pinakamalaking boto na nakuha ni Congressman Madrona ay mula sa mga bayan ng Odiongan, San Andres, San Agustin, Romblon, Romblon, Alcantara, Santa Fe, Calatrava, Ferrol, Looc, Corcuera, Sibale, San Jose, Magdiwang, Cajidiocan, Banton, at San Fernando namay kabuuang 95 porsyento.

Sabi nga ni katotong Emmanuel “Awe” Eranes ng 101. 3 FM Radyo Natin Odiongan sa kanyang FB post na tanging ang edad lamang ni Madrona ang tanging limitasyon o nakakaapekto rito pero pagdating umano sa trabaho karanasan at koneksyon sa kongreso, ay wala paring makakatalo dito.
Kaya malaki ang posibilidad na muli itong tatakbo sa 2028 bilang ama ng lalawigan dahil tulad ng karamihan, naniniwala si pareng Awe at ang inyong abang lingkod na marami pang magagawa at gagawin si Congressman Madrona para sa kaunlaran ng probinsya.
Samantala naglabas naman ng pahayag si incumbent Governor Jose Riano upang magpasalamat sa mamamayan ng Romblon na sumuporta sa kanya sa loob ng kanyang panunungkulan bilang Bise Gobernador hanggang Gobernador ng lalawigan.

Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Gov. Riano ang pasasalamat sa tiwala at pakikiisa ng publiko sa mga programang ipinatupad ng kanyang administrasyon. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga inisyatiba at proyektong inilunsad ng pamahalaang panlalawigan, na layuning makapaghatid ng serbisyo sa mga mamamayan ng Romblon.

***

Congratulations nga pala kay incoming Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic na nakakuha ng 93, 425 boto sa katunggaling si incumbent Governor Jose “Otik” Riano na nakakuha lamang ng 76, 541 boto. – Congratulations din kay incoming Odiongan Mayor Engr. Roger Fodra Jr., matapos makakuha ng mahigit 5,000 botong lamang sa katunggali nito na si incumbent Vice Mayor Diven Dimaala.

Sa mga pinalad Congratulations at sa mga hindi naman pinalad Bitter luck nextime?

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com