Advertisers

Advertisers

Admin senators natalo sa Mindanao…TIANGCO PALPAK BILANG ‘ALYANSA’ CAMPAIGN MANAGER

0 22

Advertisers

PALPAK ang naging paghawak ni ‘Alyansa’ campaign manager Toby Tiangco sa mga kandidato ng administrasyon sa katatapos na midterm elections.



Mismong si President “Bongbong” Marcos ay nagsabi na sana mas maganda ang resulta ng kampanya kungsaan halos sa buong kapuluan tambak ang Alyansa, bugbog sa Mindanao, bokya sa overseas voting ng OFW sa Asia Pacific, Middle East, America, at Europa.

Napag-alaman na hindi binigyang pansin ni Tiangco ang impeachment issue kahit na ang mayorya ng mga bumoto ay kampi sa pagsulong nito dahil sa mabibigat na krimen na isinampa laban kay VP Sara Duterte lalo na sa korupsyon sa kanyang confidential funds.

Kaya hindi nagamit ng Alyansa ang isyu sa mga nakakabatang botante na siyang may pinakamalaking bilang ng mga bumoto. Hindi bumoto si Tiangco bilang kongresista sa pag impeach kay VP Sara.

Nagkagulo rin sa local elections na kungsaan ang mga kaalyansa ng administrasyon ay naglaban-laban kaya hindi nila nabigyan ng pansin ang Alyansa candidates.

Sinisisi rin ni Sultan Kudarat Gov. Pax Ali Sangki Mangudadatu ang mga lider ng Alyansa sa “sobrang politika imbis na serbisyo sa tao. Walang naramdaman na tulong ang ating mga kababayan kaya wala silang (Ang Alyansa) nakuhang suporta.”

Aniya pa, “Dahil hindi naramdaman agad-agad because of politics, nagkaroon ng away, nagkaroon ng national divide, inuna yung pulitika, ang nakita tuloy ng taongbayan ay yung mga performance ng nakaraang administrasyon…

“…May mga programa na hindi tinuloy, may pondo pero dahil sa pulitika, sinabi na huwag na muna ituloy.”