Advertisers

Advertisers

Luis balik-game show host nang matalo sa eleksyon

0 45

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

PAGKATAPOS tumakbo bilang Vice Governor sa Batangas sa katatapos lang na midterm election at natalo, mukhang balik game show host na si Luis Manzano, huh!

Sa kanyang social media accounts kasi, ibinahagi niya ang tanong na “Anong mas trip ninyo bumalik? Rainbow Rumble, Deal or No Deal, or Minute to Win It?”



Game na game namang sumagot ang mga celebrity friends ni Luis na tila excited sa pagbabalik niya bilang game show host.

“Rainbow Rumble!!!” sey ng kanyang misis na si Jessy Mendiola at Melai Cantiveros.



“Minute to Win It!!” komento naman ni Daniel Matsunaga.

“Yung tatlo!” sagot naman ni John Prats.



“IT’S YOUR LUCKY DAY!!” sey ni Robi Domingo, tungkol naman sa noontime show na pansamantalang pumalit sa ‘It’s Showtime’ noong 2023 nang ma-suspend ito ng MTRCB.

May mga nagkomento ring netizen at ang suggestion pa nga ng isa ay: “Game KNB para magka-general knowledge mga viewers.”

Kayo, anong game show na in-host noon ni Luis ang gusto ninyong bumalik sa ere?

***

SA kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Yen Santos kung gaano siya naapektuhan sa pagkakadagdag noon ng kanyang timbang.

“Last year, I gained so much weight that I barely recognized myself. It was the heaviest I’d ever been and honestly, I couldn’t even look at myself in the mirror,” panimula ni Yen.

Pagpapatuloy pa niya, “I just didn’t like what I saw. Nothing fit anymore! and the frustration started to weigh heavier than the actual weight.”

Kuwento ni Yen, ginawa na raw niya ang lahat ng pagda-diet at workout ngunit walang nagiging progress ang kanyang mga ginagawa.

Dito ay napagdesisyunan na ng aktres na kumunsulta sa espesyalista para makabalik sa dati niyang katawan.

“Grabe! first week pa lang, I lost 3 kgs agad! Since then, I’ve just been feeling better and better. From 72 kilos to 51 kgs in 2 months, and more importantly, I’ve found the confidence I lost along the way,”

Sa kabila ng kanyang pagpapayat ay hindi pa rin nagtatapos ang kanyang effort na magbalik sa dating pangangatawan.

“It’s still a journey, but now I know I’m finally on the right path with the right people,” sey pa ni Yen.

Kasabay ng kanyang pagiging bukas sa pinagdaanang weight gain, nagbabalik na si Yen sa showbiz, matapos ang ilang taong nawala sa limelight.

Sa isang Instagram post, ibinandera niya ang isang behind-the-scene photo na tila sumalang siya sa isang taping.

Wala siyang idinetalye kung ito ay teleserye, pelikula o commercial, pero aminado siyang masaya siya kanyang pagbabalik.

Ang huling proyektong ginawa ni Yen ay ang 2021 film na “A Faraway Land” kasama si Paolo Contis.