Advertisers
NI TIMMY BASIL
KAHIT hindi kayo taga- Visayas or Mindanao pero thru social media maaaring dumaan na sa inyong wall ang mga videos sa super viral ngayon na si Elias J TV, na sikat na sikat ngayon sa Kabisayaan at Mindanao.Visayas. Halos gabi-gabi ay may show siya kung saan saan. Yes, siya na ang tinaguriang Lagare King. Siya lang naman ang nagpauso ng Elias moves kung saan halos lahat ng teenager ay sinasayaw na ito sa Tiktok, maging sa matatanda lalo na ang “Sabak ka dire”.
Ang akala ng marami, mababawasan na ang kasikatan ni Elias nang umalis ito sa dati niyang manager at tinawag pa noong Kalumad Band ang kanyang Banda.
Pero nagkamali sila dahil naka schedule si Elias na mag world tour kasama ang Cebuana Twins na contract stars ng Viva.
Nakakuha tayo ng impormasyon mula sa kampo ni Elias at naka schedule itong mag perform with Cebuana Twins, Sheena and Sheila sa Honolulu, Maui, LA, San Francisco, San Diego, Houston, Seattle and Las Vegas soon.
Naks naman, hindi na ma-reach SI Elias na unang nakilala sa kanyang mga videos kung saan kumukuha siya ng dagta mula sa rubber tree at nagko copras pa.
Going international talaga ito at nagpapasalamat ang grupo ni Elias sa Paduk Entertainment at M Talents ni Miss Aida Patana.
Ang lakas kasi ng karisma ni Elias sa audience lalo na sa kababaihan . Kahit na nagba bakla baklaan siya sa stage pero wa pakels ang mga hitad at mas lalo siyang minahal ng kababaihan. FYI, straight si Elias at may asawa’t anak na ito.
Ang Cebuana Twins naman, napanood ko na silang mag perform sa Viva Cafe a month ago at masasabi kong world class din ang caliber ng kambal. Nakapag perform na rin sila sa India at Singapore. Naunahan pa nila si Elias na maging international performer, hehehe.
Good luck sa world tour ninyo Elias J TV and Cebuana Twins. More international shows to come.
***
“BUBUHAYIN NATIN ANG DYARYO” – JHEN BOLES
NAKATUTUWA naman itong celebrity/businesswoman na SI Jhen Boles dahil kahit ang negosyo niya ay nabubuhay thru online (selling high end bags etc) ay naniniwala pa rin siya sa impact ng DYARYO.
“BUBUHAYIN NATIN ang DYARYO,” sey ni Madam Jhen sa kanyang live sa Tres Chic Luxury Original Page kasama sina Rainier Castillo, Toni Co and Asher Diaz, ang kanyang favorite live sellers.
Sa tingin ni Jhen, puwede pang manumbalik ang tiwala ng masa sa newspaper lalo na’t talamak ang fake news sa social media na kapag may gusto silang durugin ay madudurog talaga samantalang sa DYARYO, chill ka lang na nagbabasa habang kumukuyakoy good for the brain pa ito at iwas Alzheimer lalo na sa mga may edad na bukod siyempre sa na inform, na educate at na entertain ka na sa pagbabasa.
Siguro somebody from the industry ang mag initiate na hey, may silbi pa ang print media sa lipunan let’s revive it kesa tuluyan itong mag vanish.
Congratulations nga pala kay Miss Jhen dahil kamakailan ay ginawaran na naman siya ng panibagong pagkilala mula sa Southeast Asian Achievement Award na ginanap sa Grand Opera Hotel.
Madalas siyang nagsusulat ngayon sa dahil very inspiring ang kanyang buhay.