Advertisers
Nasukol ng mga miyembro ng PNP tactical motorcycle units sa bahagi ng Diversion Road sakop ng Brgy, Mabolo Malolos City ang dalawang lalaki na may kahina-hinalang kilos Sabado ng madaling-araw, Mayo 24 2025.
Sa report na ipinadala ni OIC PNP Provincial Dir. Col. Franklin P. Estoro, kay PRO3 Dir. BGen. Jean S. Fajardo kinilala ang mga suspek na sina alyas “Yuan,” ng Tondo; at alyas “Karl,” residente ng San Nicolas St., Binondo, Maynila.
Base sa puanang imbestigasyon ng mga Tactical Motorcycle Response Unit (TMRU) ng Malolos Police Station,agad silang nagsagawa hot pursuit operation laban sa mga suspek nang humingi ng tulong ang isang alyas Raul, na biktima ng hold -up, sa nabangit na lugar.
Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 baril na may 2 bala, isang replika ng baril na kulay itim, 1 cellphone, pitaka, isang beige na pouch, motorsiklong Yamaha Mio Fazzio, at pera na nagkakahalaga ng P2,511.00.
Samantala detenido ngayon ang dalawa sa Malolos City Jail habang inihahanda ang kasong Robbery at paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code.(Thony D. Arcenal)