Advertisers
Ni Jimi Escala
OPISYAL nang na-nominate ang tinaguriang Star for All Seasons Vilma Santos-Recto to the Order of National Artist for Film and Broadcast Arts.
Ang anunsiyo ay mula mismo kay Dingdong Dantes, president ng Aktor (League of Filipino Actors).
Ang samahang ito ng mga nasa showbiz ang isa sa mga nag endorso kay Ate Vi with matching documents and video materials, to the National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
“Vilma Santos has turned in incomparable works for six decades,” . “She is a paragon of professionalism, a cultural champion and nation-builder.” Saad pa ni Dingdong.
Dagdag pa rin ng pangulo ng aktor na sa edad na 70 ay very much popular sa lahat ng henerasyon ang nagbabslik bilang gobernadora ng probinsiya ng Batangas.
Bukod sa pagiging Most awarded actress
ang tinaguriang numero unong aktres at nagsilbi ng tatlong termino as mayor of Lipa City (1998 to 2007) and three-term governor of Batangas City (2007 to 2016).
Ilan sa mga grupong kasamang nag endorso para sa nominasyon ng Star for all Seasons para sa pambansang alagad ng sining ay ang
Association of State Universities and Colleges, University of the Philippines College of Mass Communication, Bicol University through president Baby Boy Benjamin Nebres III, Fashion Designer Association of the Philippines through chair Gil Granado, Society of Filipino Archivists for Film, University of Santo Tomas Department of Communications and Media Studies, Multimedia Press Society of the Philippines through president Ambet Nabus and chair Jun Nardo, Ladlad, Viva Communications, Inc., Hundred Islands Film Festival, Montañosa Film Festival, Mapua University Digital Film Program, Regal Entertainment, Star Cinema/ABS-CBN, GMA 7, Ako Bicol party-list and Bantayog Film Festival Cam Norte.
Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan and Lone District of Santa Rosa (Laguna) Rep. Danilo Ramon Fernandez, a former actor, likewise submitted their endorsements.
Kasama pa rin ang lahat ng nagkakaisang samahan ng mga fan clubs ni Ate Vi under the leadership of Engr. Jojo Lim.
Positibo naman ang paniniwala ni Dingdong na makukuha ni Ate Vi ang pagiging National Artist.
….
Kahit walang mahigpit na kalaban ay hindi pa rin pala nakaalagwa nang husto sa ratings ang mga pangunahing Primetime shows ng GMA channel 7.
Kaya nga raw may malaking pagbabagong magaganap sa mga shows ng number one network, huh!
Kahit wala pang linaw sa source namin kung ano ang timslot ng Stars on the Floor ni Alden Richards ay sigurado nang ipapasok na raw ito sa primetime, huh!
Bandang end of June naman daw ito magsisimula. Kung sa weekend din ito, posible kayang kukunin nito ang timeslot ng PBB sa Sabado?
Kahit sinasabi pa nga raw na malakas sa online ang PBB, pero talo pa rin ito ng ibang programa sa weekend.
Ang The Clash naman na dati raw ay hindi single digit ang rating, na hindi man lang naabot ng PBB. Pero sobrang bumabawi naman ang PBB sa online, at napapasikat nila ang housemates.
Patuloy itong nagte-trending sa X at talagang pinag-uusapan ang housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.
Siyempre malaking tulong pa rin show , lalo na sa GMA 7 Sparkle talents nila, huh!
Pero ayon pa sa kausap namin ay hindi raw naman matinag tinag sa ratings ang afternoon shows ng GMA.
So far, namamayagpag pa rin ang mga drama series sa hapon, kagaya ng Prinsesa ng City Jail at ang Mommy Dearest.
Kahit ang Binibining Marikit ni Herlene Budol ay gumaganda na rin ang ratings, kaya nananatili pa rin itong nasa ere.
Malakas pa rin naman at patuloy na namamayagpag sa ratings ang Family Feud, hosted by Dingdong Dantes, huh!
Hirit pa rin ng kausap namin na hanggang June 6 na lang ang Mga Batang Riles, at baka ang Sanggang Dikit ang ipapalit sa timeslot na ‘yun na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado huh!
Pero ayon pa rin sa kausap namin ay ang Sang’gre raw ang nkatakdang ipalit sa Lolong na magtatapos na rin pala sa June 13.