Advertisers
Nasawi ang isang lalaking senior citizen at sugatan ang dalawang katao nang ma-trap sa nasusunog na bahay sa Kaunlaran, Muzon Malabon City
Ayon sa Bureau of Fire Protection, 3 pamilya ang apektado sa nangyaring sunog nang makarinig ang mga residente ng malakas na pagsabog, Miyerkoles ng tanghali.
Ayon sa ilang naninirahan sa lugar, bumalik pa ng bahay nito ang biktima at ilang saglit sumisigaw at humihingi ng tulong subali’t lapnos na ang katawan nang matagpuan.
Pasado ala-1:00 nang ideklarang fireout ng mga rumespondeng bumbero ang nangyaring insidente.
Inaalam pa kung magkano ang napinsala at pinagmulan ng sunog.(Beth Samson)