Advertisers
Naaresto ng Northern Police District-District Special Operation Unit ang 32-anyos na akusado sa kasong robbery.
Kinilala ni NPD Director PBGen. Josefino Ligan ang akusado na si alias “Eking”, 32.
Sa ulat, 2:00 ng hapon nitong Martes nang maaresto ang suspek sa Bagong Silang.
Naaresto Si Alias Eking, tubong Samar sa bisa ng Warrant of Arrest sa paglabag sa Article 293 of the Revised Penal Code (Robbery), na inisyu ni Hon. Mariam Guzon Bien, Presiding Judge of RTC Branch 153, Taguig City, noong April 3, 2025.
May inirekomendang piyansa ang hukuman na P100,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang commitment order ng korte sa pagkakulong nito.(Beth Samson)