Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, VM Yul nanguna sa Nat’l Flag Day ceremony

0 20

Advertisers

Mayor Honey, VM Yul nanguna sa Nat’l Flag Day ceremony

PINANGUNAHAN nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo ang lungsod sa paggunita ng National Flag Day kung saan nagkaroon ng flag-raising ceremony sa makasaysayang Kartilya ng Katipunan nitong Miyerkules ng umaga, May 28, 2025.

“Nakiisa ang Pamahalaang-Lungsod ng Maynila sa pagdiriwang ng Araw ng Watawat ngayong ika-28 ng Mayo 2025 sa Kartilya ng Katipunan.Let us honor the symbol of our unity, courage and love for country,” sabi ni Lacuna.

Sinamahan ang alkalde at bise alkalde ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan gayundin ang mga kinatawan ng iba’t-ibang samahan.

Ang National Flag Day sa bansa na ipinagdiriwang tuwing ika-28 ng Mayo, ay paggunita sa unang paggamit ng watawat ng Pilipinas matapos ang tagumpay sa Battle of Alapan noong 1898.

Ang nasabing sagupaan ay sa pagitan ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo at ng mga sundalong Kastila. Nang matalo ang pwersa ng mga Kastila ay muling nabawi ng mga rebolusyunaryo ang probinsya ng Cavite.

Nang matapos na ang sagupaan, pumasok si Aguinaldo sa Cavite City at iwinagayway ang pambansang watawat sa kauna-unahang pagkakataon.

Simula noon, ang National Flag Day sa Pilipinas ay minamarkahan ng pagtaas ng bandila at permanenteng idini-display mula May 28 hanggang June 12 (Independence Day) sa lahat ng tanggapan, ahensya, negosyo, educational institutions at mga pribadong tahanan.

Sa kasalukuyan, ang araw ng watawat ay pinapalawig hanggang June 30 upang ipagdiwang ang independensya ng bansa at itaguyod ang patriotismo.

Ang kasalukuyang pambansang watawat ay nilikha ni Aguinaldo noong 1897. (ANDI GARCIA)