Advertisers
Ni Jimi Escala
KINILIG ang sikat na Kapuso star Alden Richards nang makaharap si Tom Cruise sa premiere ng Mission Impossible sa Seoul Korea
Sino ba namang hindi, eh international superstar ang kaharap niya at talaga namang iniidolo ng lahat worldwide, huh!
Sa kuwento pa ni Alden sa interview sa kanya ng Peoples Asia, ayaw raw niyang sayangin ang chance na makaharap si Tom.
“I told myself I am not going to ask any questions to him, I’m just gonna tell him my story in one minute and 30 seconds. I wanted to be brief, I wanted it to be short because I didn’t want to waste his time,” sey pa ni Alden sa naturang interview sa kanya ni Ms. Joanne Ramirez ng People Asia.
Dagdag pa ni Alden na halos memoryado raw niya ang mga pinagsasabi niya kay Tom. Ipinagmamalaki pa niyang inspirasyon daw niya ang Hollywood actor, na napanood niya ang mga ginawa nitong pelikula.
Kuwento pa rin ni Alden na napa wow at paulit-ulit na sinabi nito.
Ito ‘yung na-lip-read ng netizens na reaction ni Tom na ilang beses napa-wow, huh!
Ayon pa rin sa Kapuso superstar ay niyakap daw siya ng Hollywood actor pagkatapos niyang sabihin ang,
“I hope I can work with you soon; and then that’s when he hugged me.”.
Napanood namin ang video na niyakap siya ni Tom at niyaya siya nitong magpakuha sila ng picture. “Come on let’s take a photo and you have to take care of yourself…”
Binanggit din ni Alden na si Tom ang rason at inspirasyon niya kung bakit naka-enroll siya sa aviation school sa Clark, Pampanga.
Samantala, maraming Vilmanians ang natutuwa sa bagong show ni Alden sa GMA 7 na Stars On The Floor. Request pa ng mga ito na makuhang guest ni Alden ang Star for all Seasons na very active pa rin sa pagsasayaw, huh!
***
WALA pa ring kumpirmasyon pero may mga nkapagpatunay na pitong buwang buntis na raw ang aktres na si Lovi Poe, huh!
Kumbaga, marami ang nagulat dahil naitago ni Lovi ang pagbubuntis dahil visible pa rin siya sa mga showbiz affairs.
Kamakailan ay isa si Lovi sa rumampa sa Bench Body of Works fashion show na wala man lang nakahalatang nagdadalang tao na ang aktres, huh!
Sa totoo lang, hindi naman malaki si Lovi kaya marahil puwedeng maliit lang talaga siyang magbuntis, huh!
Ayon pa sa malapit kay Lovi ay kasalukuyang tinatapos ng aktres ang shooting ng pelikulang pino-produce ng film production niyang C’est Lovi.
Ito ‘yung The Sacrifice na sinulat ni Jerrold Tarog at dinirek ni Prime Cruz.
Sa Quezon province daw sila nagso-shoot at banggit pa ng kausap maming malapit kay Lovi ay napapansin daw ng ilang production staff na ang saya-saya ng aktres na kumakanta pa raw at nagsasayaw pa si Lovi sa ilog kung saan sila nagso shoot, huh!
Kahit nga raw may mga problema sa prodüksiyon, still very happy pa raw ang mood ng aktres, huh!
Pero ayon pa sa kausap namin ay wala raw naman silang alam sa tunay na kalagayan ng aktres, huh!
Well, abangan na lang natin dahil kung totoong buntis ay hindi rin naman itatago ni Lovi ang biyayang yun, huh!