Advertisers

Advertisers

ANO ANG MANGYAYARI KUNG DI MAKAPAG-OATHTAKING SI TATAY DIGS?

0 21

Advertisers

Marami ang nagtatanong kung ano ang mangyayari sakaling di makapag- oathtaking si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang halal na mayor ng Davao City?

Purely legal matters po ang mga bagay na ito at since hindi naman abogado ang inyong abang lingkod,we could only speculate base sa ating naririnig at nakikita sa mga interviews ng mga experts at legal luminaries plus ilang researches na ating ginagawa patungkol dito.

Ito nga pala ang Ilan sa mga katanungan ng ating mga kababayan…

1. Puwede ba o hindi mag-oath taking siya dun sa the Hague?
2 Paano kung hindi sya mag- oath as mayor kasi nga ayaw niya sa the Hague mag-oath?
3. Hindi ba sampal sa akusasyon ng mga complainants ang pagkapanalo ni Tatay Digs, taliwas sa sinasabi nilang mga kaso sa EJK?
Pagpapatunay lang ‘yun na mas marami pa din ang may gusto sa ginagawa ni Tatay Digs kesa sa mga nagrereklamo.
4 Nasa batas ba ng The Hague na i-allow ‘yung pag-oath ni Tatay Digs kahit nililitis pa nila?
5. Kung walang oathtaking na mangyayari,may expiration ba ito if ever manindigan si FPRRD na sa Davao nya gusto mag-oathtaking?

Samantala,sinabi ni DILG Sec.Jonvic Remulla na kanyang hihilingin sa ICC kung maaring mapanumpa si dating Pangulong Duterte sa loob ng ICC detention facility para sa pag- upo nito bilang elected mayor ng Davao City.

Posibleng ia- administer at gawin ito ng consul ng embahada ng Pilipinas sa The Hague,Netherlands mismo.

Pero TILA salungat o tutol sa ideyang ito si TATAY Digong na nagsabing sa Davao City lamang ito manunumpa sa tungkulin dahil lehitimong karapatan niya ito ayon sa batas.

Posibleng diskarte rin ito ng legal team ni FPRRD para sa usaping ng conditional release na puwedeng gawin basehan ng mga judges ng ICC ano mang oras na gustuhin.

Matatandaang labag sa kagustuhan ng dating Pangulo ang pagkakadala dito sa The Hague ng gobyernong Marcos Jr.at may mga kasong isinampa sa Supreme Court at OMBUDSMAN sa pagkuwestiyon sa legalidad ng pag- aresto kay TATAY Digong.

Sakaling di paupuin si Duterte bilang mayor ng Davao City ng DILG dahil sa kabiguan nito makapanunpa, asahan nang idudulog muli ito sa Korte Suprema ng legal team ni Tatay Digs.

Posibleng antayin munang maresolba lahat ang mga kasong naisampa ng mga abogado ni Duterte sa hukuman bago malinawan ang isyu sa pormal na pag assumed ni Tatay Digs bilang ama muli ng Davao City.

For the meantime,si Baste Duterte naman ang uupong alkalde ng lungsod in acting capacity being the vice Mayor -elect.

Ang pagtutol ni FPRRD sa panunumpa sa tungkulin ay posibleng isang diskarte ng mga abogado ng dating Presidente para maipagkaloob dito ang conditional.release accorded sa mga akusado ng ICC segun sa mga maipre- presinta ebidensiya ng mga IIC prosecutors.

Nagtataka lamang tayo na sa dinami- Rami ng mga kasong sinampa sa Korte Suprema ng kampo ni Duterte,lubhang napakabagal ang aksyon dito ng SC?.

Kailangang manindigan ang ating mga mahistrado once and for all paboran o kontra laban sa dating Pangulong Duterte.

As the saying goes… JUSTICE DELAYED IS JUSTICE DENIED!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com