Advertisers
INAASAHAN na, na ang pagka-katalaga sa bagong Philippine National Police (PNP) Chief, na si Police l General Nicolas Torre III, ay may malaking pagbabagong magaganap ss hanay ng ating kapulisan.
Bakit ka ninyo? Eto ang sagot ko – ngayon lamang nakapag-appoint ng pinaka-hepe ng kapulisan na aabot sa mahigit na isang taon ang panunungkulan.
Tunay na makasaysayan ang pagkakatalaga kay Gen. Torre dahil siya ang kauna-unahang graduate ng PNPA na naging hepe ng PNP. Siya ay kabilang sa Class 1993. Nakakaproud dahil first time talaga na LAKAN na ang naupo. Halos ubos na rin kasi ang mga PMAer sa PNP.
Ano ang ibig sabihin nito? Iisa lang ang kasagutan – continuity. Makakapaglatag si Torre ng mga polisiya, patakaran at mga alituntunin na susundin ng buong PNP. Dahil si Torre ayon na rin sa ating nakaulinigan ay darating sa retirement age sa March ng 2027 pa.
Nangangahulugan, magagawa niya ang mga repormang nararapat para sa PNP na sana ay maging kagawian na ng sinomang susunod pa na magiging PNP Chief.
Dangan kasi, naobserbahan na nating lahat ito, ang mga nagdaang PNP Chief ay nagkaroon lamang ng pagkakataon na pamanuan ito sa maikling panahon. Ang iba sa kanila ay naupo nang mga anim o pitong buwan lamang at inabot na agad ng retirement. Ang nais nilang naging reporma o’ magawa para sa PNP ay nabubura agad kapag may bago na namang naupong hepe.
Consistency, rin ang ipinunto ni Pangulong Bong Bong Marcos kaya niya napili si Torre, at binilinan ito na pangalagaan at diinan ang public safety, noong nakaraang turn-over ceremony sa Camp Crame.
“When the President says ‘make the streets safer,’ you can count on it — General Torre gets things done.”
Yan naman ang aking narinig na sinabi nitong ating Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Ibig sabihin matataas na opisyal na ang pinahanga nitong si General Torre, kabilang na ako na aba niyong lingkod. Dahil nakita ko na rin kung paano siya mamuno noon pang siya ang Quezon City Police District Director. Talagang may nangyayaring maganda, may natatapos.
Para kay General Torre naman, Mabuhay Ka Sir! Keep up the good work.. At baguhin mo nang maigi ang imahe ng ating kapulisan.