Advertisers

Advertisers

TRICKY TSIS SA TIWALING SENADO

0 115

Advertisers

HINDI mahirap basahin ang nais ni Tricky Tsis at mga kasamang senador. Dahil mga likas na tiwali, nais nila na hindi matuloy ang impeachment trial ni Misfit Sara. Pabor sa sariling interes ang hindi matuloy ang paglilitis ni Misfit Sara at mamatay ang Articles of Impeachment na nilagdaan ng 240 kasaping mambabatas ng Camara de Representante at isinumite sa Senado noong ika-5 ng Pebrero. Kasuklam-suklam ang kanilang nakatagong plano.

Isa sa malaking problema na Senado ang katamaran karuwagan, at kawalan ng talino at alab ng damdamin ng maraming kasaping senador sa pagganap ng tungkulin. Hindi ito ang lumang Senado nina Claro Recto, Jose Laurel, Lorenzo Tanada, Jose Diokno,Gerry Roxas, Ninoy Aquino, Jovito Salonga, at iba pa na kinakitaan ng kakaibang talino, tiyaga, at alab ng damdamin sa paninindigan sa mga usapin na bumabalot sa bansa. Hindi sila tumalikod sa kanilang tungkulin noong sila ang nasa bulwagan ng Senado

Ito ang Senado ng mga pipitsugin at patapong senador tulad ni Robin Padilla, Bato dela Rosa, Bong Go, Alan Peter Cayetano, Jinggoy Estrada, Migs Zubiri at iba pa at kahit sina Bong Revilla at Francis Tolentino na matatapos ang termino sa katapusan ng Hunyo dahil natalo noong nakaraang halalan. Sila ang mga senador na hindi kinakitaan ng kakaibang talino, tapang, at lakas ng loob sa paninindigan at pagsusuri ng mga nagbabagong isyu sa bansa.

Ang problema nila ay simple lang. Kahit ayaw nilang harapin ang impeachment trial ni Misfit Sara, hindi nila matatalikuran ang kanilang pananagutan dahil obligado sila sa ilalim ng Saligang Batas na buuin ang Senado bilang isang hukuman na lilitis kay Misfit Sara. Kailangan litisin nila si Misfit Sara dahil malinaw ang tungkulin at trabaho na iniatang sa kanila ng Saligang Batas.

Wala sila magagawa kundi harapin ang kanilang tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas. Hindi nila maaaring abandonahin ang sagradong tungkulin dahil kung gagawin nila ito, kalaban nila ang buong sambayanan. Lalabas ang mga tao upang magprotesta sa kanilang katamaran at kawalan ng matwid na hindi gawin ang kanilang tungkulin.

Kasalanan n Tricky Tsis ang nangyayaring pagdududa at kawalan ng tiwala ng sambayanan sa Senado. Bistado na may nakatagong agenda si Tricky Tsis. Kilala siya sa pagiging madulas at malikot ang isip. Hindi mangingimi si Tricky Tsis na gamitin ang isyu ng impeachment trial ni Misfit Sara upang mauna. Puntirya niya ang halalang pampanguluhan sa 2028.

Nakilala si Tricky Tsis dahil siya ang Rasputin, o taga-bulong ni Grace Poe upang sumabak sa halalan ng 2016 kahit hilaw pa at humati sa boto ng demokratikong puwersa. Pareho silang natalo ni Mar Roxas at humantong ito sa pagwawagi ni Gongdi. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya pinapatawad ng demokratikong puwersa.

Alam ni Tricky Tsis na hindi siya susuportahan ng demokratikong puwersa sa 2028. Nililigawan niya ang puwersa ng mga Duterte sa suporta. Batid ni Tricky Tsis na hindi impeachment trial ang magpapabagsak kay Misfit Sara kundi ang sakdal na haharapin niya sa International Criminal Court (ICC). Nais niya na siya ang kandidato ng sindikatong Davao City.

Simple ang sagot ng mga lider ng demokratikong puwersa sa nais ni Tricky Tsis at mga tiwaling senador. Nakahanda silang muling lumabas sa kalsada upang igiit na kailangan nilang gawin ang kanilang tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas. Ibubunton ng demokratikong puwersa ang lahat ng sisi kay Tricky Tsis na siyang gumawa ng sitwasyon upang hindi harapin ng tiwaling Senado ang impeachment trial ni Misfit Sara.

***

HINDI namin kilala ang bagong solicitor-general pero may pakiramdam kami na malayong-malayo siya kay Menardo Guevarra na isang DDS. Aminado siya na kakampi ni Gongdi. Aminado siya na bata siya ni Gongdi. Hindi siya nakukutya sa sarili na aminin na kakampi siya ng isang mamamatay tao, mandarambong, at sinungaling na lider. May napulot kami hinggil sa pumalit sa kanya.

WHAT FEW PEOPLE KNOW OF OUR NEW SOLGEN

Hot on the heels of her appointment as replacement of unlamented Solicitor-General Menardo Guevarra, Darlene Berberabe was greeted as a breath of fresh air. Her sterling CV made the rounds of social media, an overachieving Iskolar Ng Bayan, lawyer and corporate executive.

What few people know and might find relatable is that Lenlen is a doting wife and mother.

She was married to basketball legend Samboy Lim.

They were separated later in his retirement but when he succumbed to a stroke that rendered him blind and wheelchair bound, Lenlen went back and took care of him, at home and in the hospital, all the way till death did him part.

She is also a mother to a minime, Jamie, who graduated from UP summa cum laude with a degree in BS Mathematics in 2021. Not only that, Jamie is a champion karateka, with two Southeast Asian Games gold medals tucked under her black belt.

Done with her family duties, she is now in charge of the Office of the Solicitor-General, the government law firm rendered crippled and corrupt by Guevarra.

We can rest assured that just as she took good care of Pag-ibig as an executive and Samboy as a wife and Jamie as a mother, the OSG will be in good hands.

***

HINDI kumporme si Jinggoy Estrada (kinikilabutan kami na tawagin siyang senador o kagalang-galang) sa pagnombra ni BBM kay Maj. Gen. Nicolas Torres III bilang bagong hepe ng PNP kapalit ni Gen. Francis Marbil. Hindi niya binanggit kung bakit ayaw niya kay Torre, ngunit sinabi niya na “arogante” umano ang pulis opisyal.

Hindi namin alam kung bakit arogante si Torre para sa kanya pero kung ang ibig niyang sabihin ay hindi niya mautusan o hawak sa leeg si Torre, ang masasabi namin ay salamat at ganoon siya kay Jinggoy. Wala kaming paghanga kay Jinggoy kahit katiting lalo sa pagsasalita sa mga isyu ng bansa. Hindi namin siya kinakitaan ng katapangan at tanging nakita namin ay tapang ng hiya, sa totoo lang.

Tuwirang inendorso ni Jinggoy si Torres sa kanyang salita na nagsilbing papuri kay Torre. Ang ibig sabihin ng sinabi niya ay magaling si Torre bilang pulis opisyal. Ayos lang, Jinggoy. Marami kasi ang walang bilib sa iyo.