Advertisers

Advertisers

DURA LEX SED LEX

0 9

Advertisers

“The Law is Harsh, But It Is The Law.” Yan ang sabi sa English na kahulugan ng Dura Lex Sed Lex.

Bago ko isalin sa Tagalog, hayaan niyo muna ako ang mag-tanong. Bakit ba may batas? Bakit kailangan nating sumunod sa batas?

Di dahil tayo ay mga kamote. Buti nga ang talagang kamote may naibibigay na nutrisyon sa ating pangangatawan kapag kumain tayo nito. Pero kapag ang driver ay kamote, siguradong magulo ang ating mga lansangan. Siguradong may akdidente. Suguradong may ‘road rage’ o’ biglang nagwawala.

Kaya tayo ay gumagawa ng batas. Ito ay para sa kaayusan ng lahat. Paano magkakaroon ng kaayusan, halimbawa na lamang sa ating mga lansangan? Kung sa kalye pa lang ay walang kaayusan, eh paano pa sa ibang aspeto ng pang araw-araw nating buhay.

Ang NCAP na lamang, o’ No Contact Apprehension Program, na ngayon ay parang napakalaking isyu para sa ating mga motorista at lahat na, nang gumagamit ng ating mga kalsada.

NCAP ay batas na ginawa para magkaroon ng kaayusan sa pag-uugali ng lahat nang gumagamit nito.

Ang mga kumokontra naman dito ay binansagan na ng bagong kahulugan ang NCAP – Nasa Camera Ang Pera.

Kadali sa ating mga Filipino, na kutyain ang pamahalaan, sa mga pagsisikap na mapabuti tayong lahat. Pero kung atin talagang pag-iisipang mabuti, ang NCAP ang solusyon para di na rin tawaging ‘kamote’ ang mga driver na walang pagbahala sa kaayusan sa ating mga kalsada.

Kung di maibabalik ang NCAP dadami ang kamote, mas mabaho pa ang ang magiging tawag sa kanila kung wala tayong NCAP na ipapatupad. Tatawagin silang ‘ulalo’, ang nagpapabulok sa kamote.

Mismong Korte Suprema na ang nagsabi, nararapat lamang ipatupad ang NCAP upang ang kaayusan sa lansangan ay manumbalik.