Advertisers

Advertisers

TITLE NG MOVIE NINA CHARO AT DINGDONG, BAKLANG BAKLA

0 29

Advertisers

 

Ni TIMMY BASIL

ONLY We Know ang title ng movie nina Maam Charo Santos at Dingdong Dantes. Kaabang abang ito dahil sinasabi na may intimate scene daw ang dalawa. Gaano kaya ka intimate ito? Mayroon kaya itong laplapan or mas higit pa? Hahahaha.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Naku, yan ang ating aabangan.

Technically, kung edad ang pag uusapan ay parang anak na talaga ni Charo si Dingdong pero may mga nakikita akong video during the presscon of the said movie, hindi naman halata na mas higit doble pa ang itsura ni Maam Charo kay Dingdong. Bumabalanse ang itsura nito sa kanyang leading man. Hindi gaanong halata ang agwat ng kanilang edad.

Sa totoo lang, bibihira na lang sa mga veteran actress na kayang magkaroon ng batang leading man. Isa na riyan ay si Maam Charo, at nagkaroon pa siya ng movie a few years back na bata rin ang kanyang leading man, si John Lloyd Cruz at ito ay sa pelikulang Ang Babaeng Humayo under Lav Diaz.

Ang lakas ng commecial value ng Only We Know at malamang ay magiging bukambibig ito ng mga bakla.

Yun bang tipong ang isang bakla at isang lalaki ay nakitang lumalabas galing sa madilim na lugar at tatanungin ng, anong ginagawa nyo dyan sa madlim at sasagot ang bading ng “Only we know”. Hahahaha.

Si Direk Irene Villamor ang direktor ng Only We Know. Kung may magtatanong kung sino si Direk Irene? Siya lang naman ang direktor ng Meet Me in St. Gallen, Sid and Aya, Five Breaks up and a Romance.

Sa June 11 na ang showing nito.

***

AKTOR NA SI POPPO LONTOC NASABAK SA MATINDING AKSIYON

KUNG dati ay makikita natin ang aktor na si Poppo Lontoc sa mga sexy movies, ngayon ay sa aksyon naman siya nasasabak at talagang puro bakbakan ang kanyang mga eksena sa action movie na Beyond the Call of Duty

Mukhang ito na ang hudyat sa muling pagbabalik ng action movies dito sa Pilipinas.

Samantala, kung wala naman siyang shooting ay makikita si Poppo na nagla live selling ng mga produkto particularly mga products from South Korea sa kanyang page na The BAGMAN -JMP/PL. Mahusay siyang magbenta at minsan ay makikita rin siya sa Tres Chic Luxury Original page ni Jhen Boles. Walang competition sa kanila.

Congratulations nga pala sa iyo Poppo dahil kamakailan sy tumanggap ka naman ng pagkilala and this time, sa Southeast Asian Award.