Advertisers
MARAMI ang nagulat sa ‘FB post’ nitong si ‘Maria ‘Kara’ simula noong isang linggo hinggil sa umano’y dinanas niyang tatlong beses na insidente ng ‘sexual abuse’ sa kamay ng mga lider ng Kabataan Partylist (KPL).
Dahil dati rin tayong aktibista, alam natin na ang KPL (translation: Kabataang Makabayan, KM) ay isa lang sa mga prenteng organisasyon ng CPP-NPA-NDFP sa Kongreso.
Sa nakaraang halalan, hindi na nalinlang ang mga PInoy kaya maliban sa KPL na nakakuha ng isang “silya,” ibinasura nila ang iba pang CPP patylist groups, katulad ng Gabriela, Bayan Muna, ACT, etc.
Sa mga ibinisto naman ni Maria Kara, ano ang gagawin dito ng COMELEC at liderato ng Kamara?
Papayagan ba nilang “makaupo” pa rin sa Kongreso itong KPL/KM? Na bukod sa ‘recruiter’ umno ng NPA, lumalabas pa ngayon na pinamumunuan ng mga ‘sexual predators?’
Hmm. Baka tama rin ang suspetsa ng ilang kaibigan sa ating ‘national security cluster’ na ‘infiltrated’ na rin ng CPP ang COMELEC? Kaya mistulang ito pa ngayon ang “abugado” ng KPL laban sa ‘Duterte Youth?”
At take note: Ipinagbawal din ng COMELEC noong eleksyon ang ‘red tagging’ na proteksyon ng mga ‘CPP fronts’ para itago ang totoong “mukha” nila sa publiko. Bakit ganun?
Ayon pa kay Maria Kara, aabot sa 20 pang kababaihan na katulad niya ay nabiktima rin ng mga manyak sa KPL.
Oh well. Kung ‘3-Wise Monkeys’ ang COMELEC at Kongreso sa isyung ito, mas mainam na si Chief PNP Nick Torre at DOJ na lang ang umeksena?
Kilalang ‘Action Man’ si Chief PNP Torre kaya mabilis lang sa kanya na hubaran ang katotohanan sa mga sinabi ng biktima. At kasuhan ang dapat makasuhan, siyempre pa!
Abangan!