Advertisers

Advertisers

MT. KAMUNING FOOTBRIDGE, PINAGIGIBA NI PANGULONG MARCOS

0 19

Advertisers

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) na gibain ang tinaguriang “Mt. Kamuning Footbridge” sa EDSA, Quezon City, at palitan ito ng mas madaling tawirin na overpass para sa mga pedestrian at commuter.

Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, malinaw ang naging direktiba ng Pangulo na palitan ito nang maayos na tawiran.

Aniya, nais ng Pangulo na tiyaking hindi nahihirapan ang mga mamamayan sa paggamit ng pampublikong pasilidad tulad ng mga footbridge.



Ang “Mt. Kamuning Footbridge” ay naging sentro ng mga biro at memes online dahil sa sobrang taas nito na tila ba isang bundok na kailangang akyatin ng mga commuter araw-araw.

Samantala, plano naman ng DOTr na palitan ito ng mas mababang overpass na may elevator at konektado sa GMA-Kamuning EDSA Busway Station upang mas madaling ma-access ng publiko. (Gilbert Perdez)