Advertisers

Advertisers

P2.1 MILYON HALAGA NG DROGA, NAREKOBER NG ANTIPOLO PNP SA BUYBUST OPERATION!

0 15

Advertisers

TIMBOG sa buybust operation ang isang lalaki at nasamsam dito ng mga operatiba ang milyong pesong halaga ng droga sa Antipolo City.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang nadakip na si Jovet Cadelaria Rubio, alyas “Unyo” ng Sitio Patnubay, Brgy. San Luis sa lungsod.

Narekober ng PNP Drug Enforcement Team sa suspek ang tatlong (3) transparent plastic sachet na naglalama umano ng 31/ gramo ng hinihinalang shabu na may kantidad na P2,100,000.00.



Kabilang din sa narekober ang 3 tag P1,000. Peso, isang pouch at Vivo Android phone.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Edwin Moreno)