Advertisers
Nagwagi ng tumataginting na AED100,000 o mahigit P1.5 milyon ang isang Filipino emergency medical technician (EMT) sa United Arab Emirates (UAE).
Sa video na ibinahagi ng The UAE Lottery, sinabi ng masuwerteng lotto winner na si Sherwin Trinidad na sinubukan lang niyang tumaya matapos makita ang jackpot prize sa isang Google advertisement.
Pitong taon na raw na nagtatrabaho bilang EMT sa Ajman si Trinidad.
Aniya, gagamitin niya ang napanalunang pera sa pagpapatayo ng kanyang dream house at dream business sa Pilipinas.
Sinabi rin niyang tutulungan niya ang mga nangangailangan lalo na ang mga taong may medical needs.
Para naman sa mga kapwa niya mananaya, sinabi niyang huwag mawalan ng pag-asa ang mga ito.
“For everybody out there: Just don’t lose hope. I’ve been there before. I thought I will never win this amount, but yeah, just don’t lose hope. Just keep on playing the game,” saad niya.