Advertisers

Advertisers

Mga palusot ni Chiz sa ‘di pagkilos sa impeachment case vs VP Sara

0 7,108

Advertisers

NASAGAWA nitong Lunes, June 9, ng press conference si Senate President Chiz Escudero matapos niyang i-reset ng dalawang beses ang pagtalakay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na iniakyat ng Kamara sa Senado noon pang Disyembre 2024.

Ginawa ni Escudero ang press conference siguro dahil sa nakikita niyang patindi nang patindi na ang panawagan ng taumbayan na simulan na ang impeachment trial “forthwith” bago pa matapos ang 19th Congress sa katapusan ng buwan.

Maging sa survey ay 84 percent ng mga Filipino ang nagnanais na marinig ang paglilitis ng Senate Impeachment Court sa mga reklamo laban sa pangalawang pangulo.

Narito ang mga rason o palusot ni Escudero sa ‘di pag-aksyon sa naturang impeachment case na mag-anim na buwan nang tinutulugan ng Senado:

• Wala pang pormal na inihaing resolusyon para ibasura ang impeachment case laban kay Vice Pres. Sara Duterte.
• Ang gusto nila madaliin namin ‘yung aming constitutional duty. Gagampanan namin ‘yun pero hindi sa oras na gusto nila porket nagmamadali sila.
• Ang paniniwala ko at ang tingin ko, tatawid ito sa [20th Congress]. Pero itong opiniyong ‘to mula sa 19th Congress ay hindi puwedeng i-bind ang 20th Congress. Kailangang pagpasyahan muli ‘yan.
• Sa schedule ni Sen. Francis Tolentino na pwedeng matapos in 19 days ang impeachment trial, sinabi niyang: ‘Yan ay isang paksang dapat pagpasyahan ng impeachment court.
• Iginagalang aniya ang mga nadidismaya sa kawalan ng garantiya na magco-convene ang Senado bilang impeachement court: Hindi porket gigil na gigil sila ay susunod kami bagaman labag hindi lamang sa Konstitusyon at batas pero sa pagpapasya ng Senado.
• Wala aniyang intensyon sa ngayon na patayin ang articles of impeachment bago pa man ang paglilitis. Kung meron man, pagbobotohan aniya ito.
• Hindi aniya gusto si VP Sara [Duterte] “pero hindi rin ako galit sa kanya. I am performing and doing my role the best way I see fit without any fear or bias.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Pero sa kabila ng mga paliwanag na ito ni Escudero, mga brutal na reaksiyon ng netizens ang imabot niya.
– palusot ka pa tsis, from feb to june hindi ba delay yan? at wag mong isisi sa kongreso na cla ang nagdelay, ang pinag-uusapan ngayon ay yong forthwith, na binago mo ang kahulugan,… dahil sp ka gusto mo… “kong kelan mo gusto” ang nipis ng palusot mo… – alowelyn
– Nabuang na si chiz wiz, anong panahon pinagsasabi mo. Wala na ngang panahon, mindset ba. – sirgerflores
– anong panahon hintay mo wala ng panahon pinatay, mo ang oras araw buwan mula February to June kapal mo chiz escaldero – memetligan

Ilan lang ito sa mga atake ng netizens kay SP Escudero.

***

Habang nagpapaliwanag si Escudero sa kanyang presscon, kumilos naman si Sen. Risa Hontiveros kasama si outgoing Sen. Koko Pimentel para buksan ang impeachment trial vs VP Sara. Subaybayan!