Advertisers

Advertisers

Point guard naging kartero!

0 16

Advertisers

Apat na buwang drinibol ang bola tapos ibinato ang bola sa backcourt.

Ganyan ginawa ni Quezo de Kilay sa Articles of Impeachment sa isinampang kaso laban sa kasalukuyang kaso. Pinatalbog ang Molten mula Pebrero at ngayon biglang dinala ito sa kabilang dako. Dalawang violation yan. Una over na sa shot clock. Pangalawa backing. Hehe.

Eka naman ni Ka Berong ay nagpalit ng uniporme ang basketeer. Magbihis siya para maging postman. Hayun return ‘to -sender ang peg. Hehe.



Puro labag sa batas. Pero ayos sa kanila basta mapigilan lang o tuluyang patayin ang pagdinig sa Mataas na Kapulungan.

Parang ang nagpapasuwrldo sa mga senadot ay ang nasasakdal. O mayroon tayong hindi alam. Hehe.

***

Lowest-rated NBA Finals nga ba ang OKC vs Indiana ngayon? Dahil ba walang Celtics at Lakers sa dulo?

Mas mababa kasi ito ng 30% sa serye noong 2024 nang magharap ang Dallas at Boston – na may 12.3 M na viewers na average.



Maliban noong pandemya (Heat vs Lakers -7.54 M) ay pinakamababang Game 2 ang sa Pacers vs Thunder (8.76). Mula ito noong 2007 nang magtuos ang Cavaliers at Spurs (8.55M).

Pareho raw kasing hindi big city market ang naglalaban wika ni Pepeng Kirat kahit pa exciting naman ang laro. Last second shot pa nga noong Game 1 ang W nina Tyrese Haliburton.

Sana makabawi sa susunod na mga laro ang mga numero sa labanang OKC at Indiana.

***

Ayon kay Aling Barang nagulat siya na tumayong tatay ng anak ni Arwind Santos itong si Rome d la Rosa sa taping ng Family Feud. Mangyari late nakarating sa studio ng F.F. si Santos noong isang Huwebes.. Nakahabol naman sa set ng GMA Network ang tinaguriang Spiderman para mapanood ang anak na contestant sa game show ni Dingdong Dantes.

Mga supling ng mga PBA player ang isang team na tampok sa episode na nasaksihan ni Barang bilang bahagi ng live audience.

Si Rome ang napansin niyang nagbigay ng towel kay Iogan na anak ni Arwind nang wala pa ito. Yung daughter ni de la Rosa na si Alexa ay kasali rin sa paligsahan.

Kapwa 12 anos ang kanilang mga bunga.