Advertisers

Advertisers

Viral video: Pagturo ni Sen. Villanueva kay Sen. Imee para guluhin si Sen. Hontiveros

0 5,164

Advertisers

VIRAL ngayon ang video na kuha ng Bilyonaryo channel sa pag-convene ng Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Sa naturang video, mapapanood ang pagturo ni Senador Joel Villanueva kay Senador Imee Marcos na “mag-point of order” para mapatigil sa pagsasalita ang noo’y nasa floor na si Sen. Risa Hontiveros na kinukuwestyon ang mosyon ni Sen. Bato dela Rosa na ibasura o idismis ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Maririnig sa audio ng video na sinasabi ni Villanueva na “mag-point of order ka na para matigil siya (Hontiveros) sa pagsasalita”. Habang sumesenyas naman si Dela Rosa kay Imee na magsalita na. Na siya ngang ginawa ni Imee.

Ayon sa netizens grabe na ang kabastusan ng mga nasabing senador. Kitang kita anila ang pagiging partisan ng mga ito, ang kawalan ng respeto sa kapwa nila senador maipagtanggol lamang ang kanilang “amo” na Duterte.

Ang palusot naman ni Villanueva, karaniwan na nila itong ginagawa kapag humihingi ng advise ang kanilang kasamahan. Ganun?

Sa ginawang ito ni Villanueva, naungkat ang kanyang kaso noong 2016 sa Ombudsman kungsaan hinatulan siya ng dismissal ni noo’y Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa maling paglustay sa kanyang P10 million pork barrel noong kongresista siya noong 2008, na napatunayan sa imbestigasyon na ito’y napunta sa ghost project. Pero hindi siya naalis sa puwesto dahil hinarang ng Senado.

Ang isyung ito ay kumakalat ngayon sa social media. Ano na nga pala ang nangyari sa kasong iyon? Ganun nalang ba iyon? Hindi na pananagutin si Villanueva sa maling paglustay sa kanyang pork na taxpayers money?

Samantalang ang isang ordinaryong tao kapag nakakupit ng kahot isandaang piso, kulong agad!

Kaya dumarami ang mga mandarambong na politiko ay dahil hindi naman nakukulong. Fuck!

***

Kung makaligtas man sa impeachment si VP Sara dahil sa kanyang mga kaalyado sa Senado, may kakaharapin parin siyang kaso sa tunay na korte ng Republika ng Pilipinas.

Oo! Nitong Miyerkoles, pinagtibay ng Kamara ang findings at recommendations ng House Committee on Good Government and Public Accountability para magsampa ng mga reklamong plunder, technical malversation, bribery, at corruption laban kay VP Sara at sa kanyang mga kasabwat sa maling paggamit sa P612.5 million mula sa kanyang confidential funds.

Kasama sa rekomendasyon ang falsification, perjury, betrayal of public trust, at culpable violtion of the Constitution. Gusto ng panel na ang mga reklamo ay isampa rin laban kina dating DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda, ang trusted aide ni VP Sara; at ilang DepEd officials at mga empleyado.

Baka abutin ng 2028 sa korte ang mga kasong ito. Hehehe…

Say n’yo mga pare’t mare? Onli in da Pilipins, sabi nga nila!!!