Advertisers
Inaasahan na marami pang sisibakin ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre III sa kanilang posisyon…oo, hindi lang chief of police kung hindi – kung kinakailangan maging ang mga provincial director o district director.
Naku po, kayo rin malaki rin ang mawawala sa inyo! Ano iyon!? Ang alin ang mawawala sa kanila. Alams na this…
Pero sisibakin lang naman ang mga opisyal kung hindi sila tatalima sa direktibang pagpapatupad ng five-minute response time at magpatuloy ang kanilang kapalpakan o ang kanilang mababang kalidad sa pagpapatupad sa kampanya laban sa kriminalidad.
Pero ano pa man, may kaonting good news — ano iyon? Nilinaw naman ni Torre na sa kasalukuyan ay wala pa siyang planong sibakin agad ang mga opisyal na hindi makasunod sa five-minute response directive pero kanyang binalaan ang mga ito na ang maaaring dahilan ng pagsibak sa kanila ay ang kanilang poor performance.
Iyan may pag-asa pa kayo ha, kaya ang nararapat ay gayahin ang inyong pinuno – nasaksihan naman ninyo kung gaano magtrabaho si Gen. Torre. Yes, kung maari ay araw-arawin ninyo ang SIMEX hanggang sa ma-perfect niyo ang 5-minute response.
Alalahanin njyo, sa susunod na tatlong buwan ay ibababa na iyan sa 3-minute crime response kung saan ito ay posible dahil naipatupd na ito noon ni Torre sa QCPD noong siya ang District Director dito.
Uli, kayo rin kapag magpatuloy kayo – yes kayong mga COP, provincial director sa inyong katamaran, malaki ang mawawalang “benepisyo” sa inyo. Hahahaha… kaya huwag kayong kukuyakoy lang diyan.
Heto nga pala iyong sinabi ni Torre…“There are no plans to relieve anyone yet; that’s not the plan right now. But in their next assignments, if they still can’t deliver, we will relieve them.”
Batid naman ng lahat na ang mahigpit na ipinatutupad ni Torre, ang five-minute policy ay bilang tugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan ay kinakailangan maging mabilis ang PNP sa pagresponde sa nangyayaring krimen at emergencies.
“The President ordered us to respond within five minutes — and I don’t intend to fail. We’ve already proven it’s possible, even faster than that,” he said, citing his stint at the Quezon City Police District where this standard was achieved,” pahayag ni Torre.
Naniniwala si Torre na ang pananagutan ay nagsisimula sa matinong pamumuno sa ibaba.
“It’s now up to the commanders. If they can’t keep up or comply, I will find commanders who can deliver on that promise,” pagdidiin ni Torre.
O ano kayo ngayon mga COP at iba pa….huwag masyadong maging bossy
sa inyong pangsamantalang posisyon. Lumabas kayo at manguna sa iniatas na misyon sa inyo. Kayo rin, malaki ang mawawala sa inyo kapag goodbye na kayo sa inyong trono.
Alalahanin niyo, nitong nagdaang araw ay may walo…yes walong COP ang sinibak ni Torre dahil sa hindi pagtalima o hindi nakasunod sa 5-minute response time.
So, sinabak sila ni Torre, ibig sabihin may kapalpakan sila…yes of course. Ibig sabihin ba nito ay malaki rin ang nawala sa kanila?
Ano ang dapat na gawin? SIMEX nang SIMEX hanggang siyento por siyento niyong ma-perfect at tiyak na mananatili kayong (mga hepe ng pulisya, provincial director) sa inyong posisyon…at sa pananatili ay manatli ang inyong mga “benepisyo”. Ang kulit!