Advertisers

Advertisers

Wrestling legend Ric Flair kinansela ang meet-and-greet sa fans

0 6

Advertisers

KINUMPIRMA ni Philippine chess grandmaster (GM) John Paul Gomez ang kanyang paglahok sa pinakahihintay na 4th edition of Touchmove, ang Individual Open Rapid Chess Tournament na nakatakda sa Agosto 24 sa atrium ng SM City Mall sa Roxas City.

Ang 39-years mula sa laguna Province, Gomez ang naging pang-apat na grandmaster na papasok sa tournament, ay gagawin isang araw gamit ang Swiss System format.Bawat player ay may time limit na 15 minutes, na may 3-seccond increment per move.



Gomez ay may impresibong rekord, nagkampeon sa Philippine National Junior Championship ng tatlong beses.

Sa panahon ng Olympiad, nagtabla siya kay Czech GM Viktor Láznièka sa 9th round para makuha ang kanyang final GM norm at nagbigay sa kanya ng GM title noong 2009, para maging 10th Filipino na makamit ang naturang katangian. nagtapos rin siya na top scorer nang Philippine team sa Olympiad.

Ang iba pa na tatlong Philippine GM’s na nagpalista na lalahok sa Touchmove event ay sina GM Rogelio “Joey” Antonio, Darwin Laylo, at Daniel Quizon.