Advertisers
KARUMAL-DUMAL ang sinapit na kamatayan ng 81-anyos na Amerikano at misis nitong Pinay nang pagnakawan at pinatay sa saksak ng hindi pa nakilalang mga salarin sa Barangay Liloan, Ormoc City nitong Miyerkules.
Sa inisyal na ulat ng Ormoc City Police, ang bangkay ng mag-asawa na hindi pa pinangalanan, ay nadiskubre Miyerkules ng umaga sa loob ng kanilang tahanan.
Nabatid na nagtungo ang kapatid ng biktimang Pinay, 65 anyos, sa tahanan ng mag-asawa at dito nakita na kapwa naliligo sa dugo ang mga biktkima at wala nang buhay. Kapwa nagtamo ang mga ito ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Magulong-magulo ang buong kabahayan ng mag-asawa at nawawala ang kanilang mga kagamitan, pera, alahas at iba pa.
Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon sa kasong ito ang mga awtoridad.