Advertisers
NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mahuli ang mga bigtime na sindikatong sangkot sa illegal na droga dahil sa patuloy na pagpasok ng kontrabando sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na mayroon paring problema ang bansa sa illegal na droga kaya pinababantayan nito sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) kung saan pumapasok ang mga
illegal na droga dahil ayaw aniya nitong bumalik sa merkado ang mga ito.
“Sabi ko you continue pero yung hulihin ninyo yung malalaki. At saka puntahan ninyo kung saan pumapasok. Iyon ang isara natin,” saad ng Pangulo.
Naging sunod-sunod ang mga nakuhang bulto ng shabu na nakalutang sa mga karagatan ng Bataan,
Pangasinan, Ilocos at Cagayan na nakita ng mga mangingisda.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na dapat sirain kaagad ang mga nakumpiskang shabu, subalit tiyaking hindi nabawasan ang mga ito bago buhusan ng gasolina at sunugin.
“Sirain nyo as quickly as possible. And make sure na nandoon kayo ‘pag sinabing so many tons, ilang tonelada, yun talaga ang nandiyan, bilangin nyo nang husto tapos buhusan ng gasolina sunugin na ninyo,” dagdag ng Pangulo.
Nakatanggap din ng impormasyon ang Presidente na bumabalik muli sa mga barangay ang mga small time na nagtutulak ng shabu kaya itatapat sa mga ito ang “cops on the beat” na ipinakalat sa mga lansangan.