Advertisers
APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang panukalang P7.2 trilyong pambansang budget para sa 2027 matapos makakuha ng 281 boto pabor, 13 kontra at isang abstention.
Kabilang sa mga nakalaang pondo sa panukalang budget ang mahigit P22 bilyon para sa House of Representatives at mahigit P650 bilyon para sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kapansin-pansin din sa panukalang budget ang pagbabalik ng pondo para sa mga flood control project sa ilalim ng DPWH.