Advertisers

Advertisers

Alegasyon ng umano’y pera ng China sa mga Duterte, dapat suriing mabuti – Marcos

0 20

Advertisers

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang siyasatin at patunayan ang mga alegasyon tungkol sa umano’y pagdaloy ng pera mula China na iniuugnay sa pamilya Duterte. Aniya, maaari itong maging seryosong usapin sa pambansang seguridad kung mapatutunayang totoo.

Sa Kapihan with the Media sa Singapore, sinabi ng Pangulo na ang pinakamahalaga ay matukoy ang katotohanan sa pamamagitan ng ebidensya sa halip na umasa sa mga haka-haka.

Ayon kay Marcos, kapag napatunayang may katotohanan ang alegasyon, maaari itong maging banta sa soberanya at seguridad ng bansa. Dahil dito, sinabi niyang nararapat lamang na siyasatin ng Department of National Defense ang usapin.



Sinabi ng Pangulo na wala siyang nais na mangyari kundi mapatunayan na hindi totoo ang naturang alegasyon. Gayunman, kung mapatutunayang totoo ito, magiging isa aniya ito sa pinakamabibigat na banta na kailangang harapin ng Pilipinas.

Samantala, sinabi ni Marcos na hindi niya detalyadong sinusubaybayan ang mga pagdinig sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil marami pa siyang ibang gawaing kailangang asikasuhin. Aniya, dapat hayaang gampanan ng Senado ang tungkulin nito habang patuloy na sinisiyasat ng mga kinauukulan ang mga alegasyon. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">