Advertisers

Advertisers

Ginang dinukot at tinangay ang SUV; 2 kidnaper timbog

0 53

Advertisers

ARESTADO sa isinagawang hot pursuit at follow up operation ng mga otoridad ng Mulanay Municipal Police Station ang dalawang suspek na dumukot sa isang ginang at tumagay sa sasakyan ng biktima nitong Miyerkules ng umaga, June 18, 2025 sa Brgy. Ang Sta. Rosa, Mulanay, Quezon.

Kinilala ang mga nadakip na sina 1.alyas “Pepe”, 25-anyos, residente ng Imus, Cavite; at alyas “Reymond”, 20-anyos, residente ng San Francisco, Quezon.

Ayon sa ipinadalang ulat ng Mulanay PNP kay Quezon Police Provincial Director Police Colonel Ruben Lacuesta, dumulog sa istasyon ng pulisya ang biktimang si Marilou Canicosa Pusag, 49-anyos, residente ng Calamba City, Laguna kasama si Brgy. Chairwoman Mercidita Aliling ng Brgy. Butanyog ng nasabhpng bayan.



Isinalaysay ng biktima sa mga otoridad na puwersahan siyang dinukot ng suspek sa tapat ng Qualimed Hospital at inagaw ang manibela ng kanyang sasakyan na Mitsubishi Montero with plate number DAP 9918 at ibinaba sa Brgy. Butanyog, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga pulis at naabotan ang mga suspek at naaresto.

Nabawi sa mga suspek ang sasakyan ng biktima, isang cal.45 na baril na may laman na isang magazine at mga bala, 2 cellular phone, 2 piraso ng bladed weapon, mga id at halagang P11, 390.00 na pera.



Sasampahan ang dalawang suspek ng kasong Kidnapping at Carnapping at pansamantalang nasa kustodiya ng Mulanay Holding and Detention Facility bago iharap sa korte (Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">