Advertisers
Inisyuhan ng show cause order ng Land Transportation Office ang may-ari at 18-anyios na lasing na driver ng Nissan Grand Livina van na aksidenteng nakabangga sa isang kulay pink na Toyota Corolla at nagresulta ng pagkakasawi ng tatlo nitong sakay kabilang ang driver ng kotse, isang buntis na babae at
isa pang pasahero habang sugatan naman ang limang sakay ng van kabilang ang driver nito na nangyari nuon gabi ng Martes June 17, 2025 sa by pass road Brgy. Zambal, Tagaytay City sa Cavite.
Ayon sa ipinadalang report ni Land Transportation Office (LTO) Calabarzon Regional Director Elmer J. Decena, kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, nakapaloob sa lihaw na dapat na magpaliwanag ang registered owner ng nasabing van kung bakit hindi siya dapat isama para managot sa nangyaring aksidente. Tanong naman ni Asec. Mendoza kailangan ipaliwanag ng may ari ng sasakyan kung bakit niya pinayagan ang isang reckless driver na wala sa tamang katinuan na magmaneho ng kanyang sasakyan.
Binibigyan ng limang araw ang may-ari ng sasakyan para magsumite ng kanyang sinumpaang salaysay sa oras na matanggap ang nasabing show cause order kung bakit hindi siya dapat patawan ng kasong administratibo at posibleng pagkakasuspinde o revocation ng rehistro ng kanyang sasakyan dahil sa pagpayag na magmaneho ang isang lasing na driver.
Pagpapaliwanagin din ang nakaaksidenteng driver kung bakit hindi dapat patawan ng revocation ang kanyang lisensya sa pagmamaneho sa kabila ng nangyaring malagim na aksidente.(Koi Laura)