Advertisers
Arestado sa magkahiwalay na anti-illegal drug buy-bust operation ang apat na drug persomalities na nagbebenta ng iligal na droga sa bayan ng Rodriguez, Rizal at Lipa City, Batangas sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga otoridad ng Calabarzon Police Regional Office 4A nitong Miyerkules June 18, 2025.
Ayon sa report na nakarating sa Regional Office 4A sa Camp Vicente Lim, 8:40 ng gabi nasakote ang mga suspek sa Sitio Anginan, Brgy. San Isidro sa Rodriguez Rizal ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Drug Enforcement Team.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alyas “Jai” at alyas “Gem”, mga nasa hustong gulang at nasamsam sa mga suspek ang walong (8) plastic sachets ng shabu na may kabuuang bigat na 142 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P965,600.00. ang standard drug price, isang (1) Magnum cal.22 “Black Widow” pistol na may laman na mga bala, mga drug paraphernalias at ang ginamit na buy-bust money.
Bandang 4:10 ng hapon, nahulog din sa kamay ng batas ang dalawang High Value Individuals sa drug watch list ng Lipa City PNP na sina alyas “Reynaldo” at alyas “Rico”, nang pagbilhan ng shabu ang katransaksyon na police poseur buyer sa Brgy. Plaridel ng Lipa City, Batangas.
Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang isang (1) sachet at dalawang (2) piraso ng knot tied plastic sachets ng shabu na may bigat na 100.14 grams at may tinatayang halagang P680,952.00., isang cellular phone, isang kulay asul na Suzuki Raider motorcycle, isang Remington cal.45 na baril na may laman na isang magazine at mga bala, isang itim na sling bag at ang ginamit na buy-bust money,
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Koi Laura)